Chapter 68

267 22 3
                                    

Ramdam ni Simon na hindi ganoon ka-init ang pagtanggap sa kanya ni Yassi sa pagbisita nila ni Sianna sa mga ito. Kay Sianna lamang nakatuon ang atensyon ni Yassi at wala sa kanya.

Kanina pa sila nakauwi ni Sianna sa mansion. It's late in the evening and still he's wide awake.

Hindi sya makatulog kagaya ng mga gabing nagdaan na wala sa mansion ang kanyang mag-ina. Lalo pa ngayon na pinag-iisipan ni Yassi na i-annulled ang kasal nila.

Hindi sya papayag. Until his last breath ipaglalaban nya ang pagmamahal nya sa kanyang asawa.

....

Binagabag din ng kanyang konsensya si Yassi sa kanyang nasabi kay Simon kaya malalim na ang gabi ay gising pa rin sya.

Ngunit wala ng bawian.

Napatingin sya kay MJ na payapa nang natutulog. Naging masaya ang kanyang anak sa maghapong paglalaro nila ni Sianna at sa pagba-bonding nito sa ama.

She grasped her breath.

Ilang buwan na lang lalabas na ang twins.

Kanina napasulyap sya kay Simon. Alam nyang nakatitig ito sa kanyang tiyan. Gusto siguro nitong maramdaman ang kanilang kambal ngunit nangingilag itong gawin yun.

She pretended well. Binalewala nya ang presensya ni Simon ngunit ang totoo isip lang nya ang nagdidikta na wag pansinin ang kanyang asawa. Ngunit ang puso nya nangungulila dito.

....

Maaga pa lang ay nasa Tagaytay na si Simon. Aaraw-arawin nya ang pagpunta roon dahil gusto nyang iparamdam kay Yassi na mahal na mahal nya ang mga ito sa kabila ng kanyang pagkakamali.

"Ma'am nandito po si Sir..." pag-imporma ni Manang Cel kay Yassi nang umagang yun.

Napakunot ang noo ni Yassi. Ang aga aga ay nasa Tagaytay na naman si Simon. Lumiban ba ito sa kanyang opisina?

Napilitang paupuin ni Yassi ang kanyang asawa sa sofa.

"Masyado kang maaga. Tulog pa si MJ." kalmado nyang sabi dito.

"Yassi, I'm here not only for MJ.. I'm here because I--- I want to see you. Both of you..." nauutal na sagot ni Simon.

"I told you, I want to be free, Simon. Let's push through our annulment." sagot ni Yassi.

Sunod-sunod na umiling si Simon.

"I'm sorry. I won't. You will be my wife as long as I breath.. I'd rather die than to set you free from our marriage. You knew my sacrifices Yassi how I fought for my freedom from my previous marriage because it's you whom I wanted to marry. And now that it happened, I will never ever freed you. I can give you space, but I won't let you go as my wife..." seryosong sabi ni Simon kay Yassi. Malungkot ang mga mata ni Simon at alam nyang hirap ang kalooban dahil sa sinabi niya kanina.

Hindi nya alam kung natutuwa sya sa sagot ng kanyang asawa. Simon is fighting for their marriage.

Iniba nya ang kanilang usapan.

"Kumain ka na ba?"

Hindi umimik si Simon. Nangangahulugan na hindi pa.

"Halika sa kusina."

Nagpatiuna na sa kusina si Yassi.

Nahihiya man ay sumunod na rin sa kusina si Simon.

"Good morning Ma'am, Sir!" bati ni Mang Romy na naabutan nilang nagkakape.

"Good morning Manong Romy. Nag-breakfast na po ba kayo?" sagot at tanong ni Yassi samantalang tumango naman si Simon bilang tugon sa pagbati nito.

"Naku Ma'am tapos na po kami." sagot naman ni Manang Cel.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon