Chapter 63

311 36 70
                                    

Maagang gumising sina Yassi para sa pag-uwi sa Batangas. Kasama nila si Sianna sa pag-uwi dahil ayaw nitong magpaiwan sa mansion.

Si Sandro ang kasama nila dahil sasamahan ni Simon si Isabella sa pagpa-check up. Samantalang bibisitahin ni Sandro ang bahay nito roon.

"Take care."  hinatid ni Simon ang pamilya sa labas ng mansion. Naroon na si Sandro at naghihintay.

"Ingat rin kayo mamaya." tipid na ngumiti si Yassi sa kanyang asawa.

"We'll go now! Bye!" ani Sandro sa kapatid.

Kumaway si Simon sa mga ito bago tuluyang umandar ang sasakyan.

Nasa harapan si Yassi habang nasa likuran sina Yaya Marsha at ang dalawang bata.

Sa byahe ay walang patid ang  pagkukwentuhan nina Yassi at Sandro. Ngunit iniwasan nilang pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon nina Yassi at Simon.

Naikwento  ni Sandro ang babaeng laging nagtataray sa kanya kaya tinukso ni Yassi ito.

"Mukhang next year ka na ha. Finally!"

Tumawa lang si Sandro.

"I don't even know her name. So paano yun? I can't understand her kung bakit ang taray nya sa akin." naiiling na sambit ni Sandro.

"Hindi ka ba nya kilala?" tanong ni Yassi. Pero nagtataka naman sya kung bakit hindi nito kilala si Sandro eh napaka-famous ng kanyang bayaw.

"I don't know. She calls me Mister eh." kwento ni Sandro.

"Ow, talaga? Nakakapagtaka naman na hindi ka nya kilala." sambit ni Yassi.

"I don't care if she knows me or not. Wag lang nya akong tatarayan ulit." tila babala ni Sandro.

Nahimigan naman yun ni Yassi.

"What if?" tukso nya.

Tumingin muna si Sandro sa salamin. Tiningnan nya kung nakikinig si Yaya Marsha sa kwentuhan nila ni Yassi at nang masigurong abala ito sa mga bata sinagot nya ang sabi ni Yassi.

"I will kiss her."

Namilog ang mga mata ni Yassi pagkarinig sa sinabi ni Sandro.

"Ang harsh mo naman. Kiss kaagad?" bulalas nya.   

Tumawa ulit si Sandro.

"That's the price she should pay by being mataray to me." Sandro said.

"Hoy, baka mademanda ka hahaha!" Yassi joked.

"Well let's see." nakangising tugon ni Sandro.

Hindi naging boring kay Yassi ang naging byahe nila dahil sa kwentuhan nila ni Sandro.

Namalayan na lamang niya na nasa Batangas na sila at binabaybay na ang kalsada patungo sa subdivision.

"Here we are... Gonna drop you first before going to my unit." ani Sandro.

"Thanks Sandz. Dito ka na mananghalian ha. Sabi ni Nanay magluluto sya ng mga paborito ko." masayang anyaya ni Yassi sa binata.

"Sure."

Tuwang tuwa si Nanay Yolly at Lola Adela ng makita sina Yassi.

"Sandro! Kumusta?" bati rin ng dalawa sa binata ng bumaba rin ito sa sasakyan para bitbitin ang ilang gamit nina Yassi.

"Okay naman po, Nanay Yolly, Lola Adela." nakangiting sagot ni Sandro.

"Hala pasok muna kayo." sabi ni Nanay Yolly sabay karga kay MJ. "Ang laki mo na, at ang bigat mo nang kargahin."

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon