Chapter 57

308 31 20
                                    

Ang saya ni Simon nang muling makita ang mga anak. Nag-uunahan ang mga ito na sumalubong sa kanila sa salas.

"Mga anak, may sakit pa ang Dada nyo. May trangkaso pa sya kaya pagpahingain muna natin sya, okay? Saka nyo na lang sya kulitin kapag okay na sya." mahinahong saway ni Yassi sa dalawang bata nang kuyugin ng mga ito si Simon.

"Okay po Mama. Sorry Dada miss na miss ka na kasi namin."
nakakaintindi namang sagot ni Sianna.

"It's okay baby. I'm sorry may sakit si Dada. I can't kiss you at the moment."

Kinarga ni Simon si MJ ngunit agad ding kinuha ni Yassi.

"Akin na muna si MJ. Wag ka munang magbubuhat. Tara na sa taas."

Sumunod si Simon sa kanyang asawa habang karga nito si MJ. Nakasunod din si Sianna sa kanila.

"Dada will take a rest. Mainit pa ang Dada nyo..." sabi ni Yassi sa dalawang bata nang nakahiga na si Simon sa kama nito sa sariling silid.

"Mga anak sa kwarto muna kayo ha. Pagpahingahin muna natin si Dada." pag-uulit ni Yassi sa sinabi nya kanina. Matapos sabihin yun ay dinala muna ni Yassi sa kanilang kwarto ang dalawang bata. Nandoon na rin si Yaya Marsha para bantayan ang mga ito.

Muli nyang binalikan si Simon sa kwarto nito.

"Wag ka munang mag-aircon."
sabi ni Yassi. "Sandali lang at may kukunin ako sa kabilang kwarto."

Pumunta si Yassi sa silid kung saan nakatago ang mga beddings at ilang mga gamit nila sa mansion.

Kumuha sya ng isang comforter at dinala yun sa kwarto ng kanyang asawa.

"Use this para hindi ka masyadong ginawin." bagamat seryoso ang mukha ni Yassi di naman maikukubli ang pag-aalala nito sa kalagayan ni Simon.

Nang masiguradong maayos na ang higaan ni Simon ay nagpaalam na ito.

"Papakainin ko lang ang mga bata."

Tumango si Simon.

"Thank you." mahina nyang sabi at narinig naman yun ni Yassi.

Nang lumabas sa kanyang silid si Yassi ay nakahinga ng maluwag si Simon. Alam nyang hindi kaagad sya mapapatawad ng kanyang asawa ngunit alam din nyang mahal pa rin sya ni Yassi kaya ganoon na lamang kung asikasuhin sya nito.

....

Naisipang dalawin ni Sandro si Simon ngunit tinawagan na muna nya ito at nalaman nyang pinauwi na ito ni Yassi sa mansion.

Napangiti sya.  Alam nyang magkakaayos rin ang dalawa. He is hopeful na mapapatawad din ni Yassi ang kanyang kapatid in due time.

"Don't visit me. I can't entertain you. Even the kids can't come near me." sabi ni Simon sa kanyang kuya.

"Okay. Rest well and feel better. I'm glad you're back home. At least Yassi can take care of you. Some other day na lang ako bibisita dyan."

"Sige Kuya."

Matapos ang pag-uusap  nilang magkapatid ay inilagay na ni Simon ang cellphone sa side table.

Hustong pumasok sa silid si Yassi at may dalang pagkain sa kanyang asawa.

"Kumain ka na then take your medicines." pormal ang mukha na sabi ni Yassi

Inilapit ni Yassi ang food tray kay Simon.

"Lalabas na ako." paalam na nito.

Nakakahawa ang trangkaso kaya iniiwas muna ni Yassi ang mga bata kay Simon. Kahit sya ay limitado din ang paglapit sa kanyang asawa.  Nang mga sumunod na araw si Sonia ang lumalapit sa kanyang asawa kapag nagdadala ng pagkain para kay  Simon. Naroon lang sya sa tapat ng pintuan. Buntis kasi sya at iniiwas lang ang sarili sa pagkahawa.  Mabuti na ang nag-iingat. Kung hindi lang sya buntis, personal nyang aasikasuhin si Simon.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon