"Si!" matapos mabuksan ang pinto ay tawag kaagad ni Yassi.
Nag-angat ng kanyang mukha si Simon.
Natulala sya nang makita si Yassi.
Agad namang umiwas ng paningin ang dalaga.
"May towel ka ba dito? Magtatanggal lang ako ng make up." sabi nya.
Lumapit si Simon kay Yassi.
Tinitigan ang mukha ng dalaga.Nailang naman si Yassi sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Simon.
Titig ba yun ng paghanga?
"Come." sinamahan ni Simon si Yassi sa private room niya.
Muling nakapasok roon ang dalaga.
Mula sa built in cabinet ay naglabas ng malinis na towel si Simon at iniabot kay Yassi.
"Use the comfort room." sabi nito.
Pumasok sa CR si Yassi. Ginamit nito ang sink.
Habang nasa loob ay nasa labas naman si Simon. Hinihintay nito ang dalaga.
Nagtataka si Simon bakit may make up si Yassi. Napatitig pa nga sya dito.
With or without make up, maganda si Yassi. Ngunit mas preferred nyang walang make up ito.
Natagalan sa pagtanggal ng make up si Yassi. Paano ang mga product pala nila ay pawang mga water proof.
"Are you done?" nagulat sya sa tanong ni Simon pagkalabas nya.
"Oo. Thank ha." sagot niya.
"What happened?" nakatitig sa kanya na tanong ni Simon.
"Haizzt! Napakiusapan kasi na gamitin ako sa pag-demo. Products kasi natin yun kaya umoo na ako." kwento nya. "Ginamitan ng make up ang mukha ko."
Lumapit si Simon sa kanya at inayos ang mga takas nyang buhok.
"You are beautiful... with make up. But I like you more without it..." nakatitig sa mukha nitong sabi.
She smiled.
"Thank you. Hindi naman talaga ako mahilig sa make up. Kapag kailangan lang talaga saka ako naglalagay." sagot niya.
"I know." nakangiting saad ni Simon.
Naghanap ng hanger si Yassi at doon nilagay ang ginamit na towel. Isinabit nya yun sa CR para matuyo.
"Let's go." yaya na niya kay Simon. Hawak kamay silang lumabas na ng silid.
"Babalik na ako sa opisina." paalam na ni Yassi.
Tumingin sa kanyang relo si Simon.
"Okay." sagot ni Simon. Hawak pa rin ang kamay nya.
Napatingin dito si Yassi.
Binitiwan na yun ni Simon.
"I'll be back on breaktime." sabi ni Yassi.
Lumiwanag ang mukha ni Simon nang marinig ang sinabi ng dalaga.
Ipinagbukas na nya ng pinto si Yassi at lumabas na ito.
Nakita ni Jackie na malinis na ang mukha ni Yassi nang dumaan ito.
"Hi! daan ulit ako."
Tumango lang si Jackie. Napapansin nyang panay din ang punta nito sa opisina ng kanyang boss.
Nalilito tuloy sya kung si Yassi o si Ms. Anoñuevo ang girlfriend ng boss nya.
....
"Ay bakit mo tinanggal ang make up?" bulalas ni Aries nang makabalik sya sa kanyang opisina.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanficBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?