"Hinay hinay lang bro!" paalala ni Drix kay Sandro. Kung tunggain kasi nito ang hawak na bote ng beer akala mo ay uhaw na uhaw.
Nasa isang bar sila ngayon. Tumawag kasi si Sandro sa mga kaibigan at nag-ayang uminom. Libre nya ang lahat. Pagkagaling sa bahay ng kapatid at dumalaw sa isa pa nilang tita ang kanyang mga magulang, isa-isa nang tinawagan ni Sandro ang mga kaibigan.
Ganoon sya kagalante. Kapag broken-hearted! Nanlilibre.
Nagkatinginan sina Drix at Henry. Tila walang narinig si Sandro, deretso lang ang pag-inom nito. Ni hindi na nga tumitikim ng pulutan.
Alam nilang may problema o iniindang sakit ng kalooban si Sandro. Sa tagal na lang magkakaibigan kilalang-kilala na nila ang isa't isa.
"Tell us what happened?" himok ni Carl kay Sandro na i-open sa kanila ang nararamdaman nito.
Sandro just sighed. Tikom ang bibig.
"We don't know kung siya pa rin ang problema mo." mahinahong saad ni Carl. "Pero sa tingin namin, sya pa rin."
Huminga ng malalim si Henry bago nagsalita.
"Bro, advice ko lang, kalimutan mo na si Yassi. Sila talaga ng kapatid mo ang destiny. Isipin mo ang dami na nilang pinagdaanan. They are meant to be talaga. Bumitaw ka na."
Ikinuyom ni Sandro ang mga palad.
Naalaala nya ang kanyang pangako.
He will fight for his feelings.
He will take the risk.
But how?
From the beginning alam nyang talo sya!
F*ck!
Ginawa na nya ang lahat, inilapit na nya ang sarili kay Yassi, but he knows, not enough dahil alam nyang there's someone else na mahal ni Yassi. It's his brother Simon... Yun din ang dahilan kaya hindi sya makapagtapat dito.
Lalo na ngayon may anak na sila!He's a loser eversince. A coward and a loser!
Inubos na ng tuluyan ni Sandro ang laman ng bote. Matapos nun ay nagbukas ng panibago.
His friends look at him.
Naaawa sa kanya.
Ilang taon na rin syang naghintay sa wala at napag-iwanan na sya. Sya na lamang kasi ang binata sa kanilang lima.
.....
"Kumain ka na..." masuyong sabi ni Simon kay Yassi. Gabi na pero di pa ito naghahapunan. Matapos itong akyatin ng kanyang ina at ama para kausapin ay hindi pa rin ito bumababa. Nakasubsob ang ulo nito sa unan.
"Don't worry about me, busog pa ako." mahinang sagot ni Yassi. "Ang mga bata ba nakakain na?"
"Yes. They're in Sianna's room."
"I'll bring you food here. Wait for it." paalam na ni Simon.
"No! Ayoko ko pang kumain Si."
Tuloy tuloy na si Simon sa paglalakad at iniwan na si Yassi.
Binalewala nito ang sinabi ng dalaga.Nagbalik sa isip ni Yassi ang mga nangyari kanina.
"Do you still love me?" tanong ni Simon sa kanya.
She answered him safe.
"Si, hindi madaling mawala ang feelings... But.... ayoko pang maging tayo ulit." mahina nyang sagot kay Simon.
Nakita nya ang paglungkot ng mukha ni Simon ganunpaman pilit na ngumiti ito sa kanya.
"I will wait until you are ready." sabi nito at ginagap ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?