Chapter 56

347 40 58
                                    

Hindi inaasahan ni Yassi na makakasabay nya ang kanyang asawa sa pagsakay nya sa elevator. Pasara na sana ang pintuan ng express elevator nang humabol pa si Simon.
Nagulat din ito nang siya'y makita pagkapasok sa loob.

Nagpakiramdaman silang dalawa sa loob ng lift. Tanging sila lamang ang sakay nito kaya sobrang naiilang si Yassi.

Iniwasan nyang tumingin sa kanyang asawa habang umaandar ang elevator ngunit sa peripheral vision nya ay nakita nya ang mukha nito. Isang linggo pa lamang ito na wala sa mansion ay halata na ang pagkahulog ng katawan ni Simon.

Lumiit ang mukha ni Simon at kita nya ang panlalalim ng mga mata nito.

Napasinghap sya. Katulad din ba nya ang asawa na hirap makatulog sa gabi?

𝘛𝘪𝘯𝘨!

Bumukas ang pinto ng lift at tumabi si Simon upang makadaan sya.

Walang anumang salita na lumabas na si Yassi sa pintuan ng elevator.

Napapikit si Simon nang mapag-isa na sa lift. He wanted to hug his wife a while ago ngunit naunahan na sya ng pag-aalinlangan. Hindi pa sila maayos ni Yassi at nangangamba sya kung mapapatawad pa ba sya nito.

Sobrang nami-miss na nya ang asawa.

....

Nasa mesa na nya si Yassi ngunit lumilipad pa rin ang diwa kay Simon.

Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit naawa syang bigla sa asawa. Nangayayat na si Simon.

𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘮𝘺𝘴𝘦𝘭𝘧. 𝘔𝘢𝘴𝘺𝘢𝘥𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘣𝘰𝘵.

Pinagalitan ni Yassi ang kanyang sarili at pinagbawalang  muling maawa sa asawa.

Hindi pa man oras ng trabaho ay nagsimula na agad si Yassi upang abalahin ang sarili.

....

Namalayan ni Yassi na lunch break na dahil dinaanan sya ni Aries sa kanyang opisina. Hindi sa kanila sumama si Ricky dahil sa mga staff ito sumabay. 

"Tara na girl. Tayo na lang ang nandito. Saan mo gustong kumain, sa canteen o sa resto?" tanong nito.

Napaisip si Yassi. Kung sa canteen, magtataka naman ang mga empleyado kung bakit si Aries ang kasama at bakit doon sya kakain gayong bihira syang mapagawi roon dahil madalas ngang kasama nya si Simon sa pantry o sa restaurant na kalapit ng kanilang building.

Ito ngang linggong nagdaan may mga staff na ang nagtatanong sa kanya bakit kay  Aries sya sumasabay at hindi sa CEO. Nagdadahilan na lamang sya.

Alam nyang nagtataka na ang mga ito. Lalo na't kailan lang ang sweet ni Simon sa kanya.

Haizzt!

Hanggang kailan silang ganito?

Hanggang hindi pa nya napapatawad ang asawa? May chance pa bang tanggapin nyang muli si Simon sa kabila ng pagkakamali nito?

Nanariwa ang hapdi ng kanyang puso nang maalaala kung bakit itinaboy nya ang kanyang asawa. Haizzt!

Sumasakit pa rin ang kalooban nya kapag naaalala ang pagsisinungaling ni Simon. Kelan pa ba nagsimula yun?

Yun ba ang dahilan kaya ang lambing nito sa kanya noong mga nakaraang linggo dahil may pinagtatakpan itong kasalanan?

Buti pa si Isabella sinamahan nito sa doktor. Bakit ganoon? Sya ang asawa pero ibang babae ang sinamahan ni Simon sa hospital.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon