Chapter 11

272 22 1
                                    

Nagsisi si Simon dahil naparami sya ng inom sa bar ni Howard. He did promise na hindi na sya titikim ng alak pero heto, nawala sya sa kanyang sarili kagabi.

He remembered Yassi.

F*ck!

Ang sakit ng ginawa ni Yassi sa kanya. She junked him without knowing his side.

Ahhh...

Halos mahilam sa luha ang mga mata nang maalala nya ang kanyang mga nakita.

Yassi and Blaze were so sweet. Pinakilala pa ni Blaze si Yassi kay Mr. Reyes.

....

10PM to 6AM  ang sumunod na sched ni Yassi from her rest day.

Kasalukuyan na syang nag-aayos ng kanyang sarili nang kausapin sya ng kanyang nanay.

"Bakit ayaw mong malaman ni Simon na may anak kayo, para maging maayos na ang lahat?" sabi nito.

"Nay lalo lang po gugulo ang sitwasyon. Kahit si Sandro na lang makaalam na may pamangkin pa syang iba." balewalang sagot ni Yassi.

"Sa tingin ko naman hindi kukunin ni Simon ang anak nya."

"Iba po ang pakiramdam ko. Sa tingin ko kukunin nya ang anak ko. Lalaki si MJ, magdadala ng apeyido nya." sagot ni Yassi. "Kapag nalaman nyang anak nya si MJ, papapalitan nila ang apelyido ng bata."

Hindi na kumibo si Nanay Yolly. 

Masakit nga sa anak nya kung makukuha ni Simon ang bata. Pero hindi sila papayag. Anuman ang mangyari.

"Anak, may itatanong ako sa iyo..." alanganing tanong ni Nanay Yolly kay Yassi.

Bahagyang tiningnan ni Yassi ang kanyang Nanay habang nagpapatuyo  ng buhok gamit ang blower.

"Hindi mo na ba mahal si Simon?" tanong ng nanay nya.

Napahinto sya sa kanyang ginagawa.

Mahal pa ba nya si Simon pagkatapos syang iwanan nito sa ere?

Minabuti nyang wag sagutin ang kanyang ina.

Tumayo na sya at nagpaalam na.

"Aalis na po ako Nay. 9PM na. Papasok na po ako sa trabaho."

Hinagkan ni Yassi ang anak at nginitian ito. Ngumiti rin si MJ na tahimik na naglalaro ng mga maliliit na stuff toys.

Nakasunod ang tingin ni Nanay Yolly sa anak.
Ang alam nya, nasaktan si Yassi nang umalis sa Pilipinas si Simon.

.....

Nangangatal na naman si Jackie dahil mainit ang ulo ng boss nya.

Nasa mesa na nito  ang mga kailangang pirmahan ng boss.

Bakit ba napaka-moody ng boss nya? Minsan ayaw na nyang pasukan ito.

Her boss is far different noong magkasama pa sila ni Yassi. Napakahaba ng pasensya nito at nakikita nyang malambing kay Yassi.

Nasaan na nga ba si Yassi?

Hinanap na nya sa Soc Med si Yassi pero hindi nya makita.

Nakita ni Jackie na nakangiti na ang kanyang boss nang puntahan ito ng VP ng kanilang kumpanya.

Is it true na may relasyon na ang dalawa?

Si Miss Anoñuevo lang ang punta ng punta sa office ng kanyang boss. Hindi nya nakikitang may pinupuntahan ang boss dahil laging nakakulong sa opisina nito.

Hmmm, kung type ng kanilang VP ang boss nya, wala din naman syang pakialam dun.

.....

Abala si Sandro sa pagbili ng mga gamit ni MJ. Bumili sya ng electronic car ng bata at ilang laruan at damit.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon