Chapter 29

307 28 18
                                    

"Are you okay Yassi?" tanong ni Aries kay Yassi nang nasa lobby na sila. Namumutla na kasi ang dalaga.

She didn't know na dito sya magtatrabaho sa company ni Simon.

Kung alam lang nya.

"I'm good." pasisinungaling nya.

Sumama na sina Yassi kay Miss Mendoza para i-endorse.

Pasalamat si Yassi dahil bago na ang HR Manager at hindi na ang dati.

May mangilan ngilan atang empleyado ang natandaan sya na dati syang PA ni Simon noon, pinagbubulungan sya,  di na lang nya pinansin ang mga yun.

Nagulat din si Yassi dahil nang tumuntong na sila sa kumpanya ay naging tila isang lalaking lalaki si Aries, si Mr. Monteverde.

Panay na nga rin ang pa-cute nya sa mga babaeng empleyado.

Naguluhan tuloy sya sa totoong gender preference nito.

"Ang hirap maging artista, kailangan ko itong gawin, Yassi." bulong nito. First name basis na sila.

Naguluhan si Yassi sa sinabi ni Aries.
Patungo na sila sa room kung saan mami-meet nila ang mga nakakataas. Panalangin ni Yassi ay wala roon si Simon. Hindi kasi ito umaattend sa mga ganoong meeting.

"What do you mean Aries?" bulong ni Yassi.

"Andito ang Tito ko. Lagot ako pag nalaman nyang vaklush ako. So I need to pretend I'm straight while inside the company." tugon ni Aries.

Muntik nang tumawa si Yassi. Buti napigilan nya.

"May Tito ka dito? Hindi bawal ang family dito?" tanong nya dahil hindi nya alam ang bagay na yun.

"No. Actually sya ang backer ko. Wag kang maingay." sabi ni Aries.

Napaisip si Yassi. Paano syang nakapasok sa company ni Simon eh wala naman syang backer?

Si Sandro lang naman ang isa sa mga character references niya.

Pumasok na sila sa room. Katamtamang laki ang silid na yun, may mesa na mahaba at mga upuang nakaikot din dun.

Malamig ang aircon ngunit pinagpapawisan si Yassi.

"Let's wait for them, they're coming already." ani Mrs. Bautista, ang HR Manager.

Pinaupo sila.

Kinakabahan si Yassi kung paano ipapakilala ang sarili sa mga nakakataas.

Ilang tao ang pumasok sa silid. Hindi na kilala ni Yassi ang mga ito.

Ngumiti sa kanila ni Aries ang mga ito, at ngumiti rin sila pabalik.

Dalawang tao na lang daw ang kanilang hinihintay. Panalangin pa rin ni Yassi na hindi kasali si Simon sa mga yun.

Pagbukas sa pinto ay napatingin ang lahat.

Tila binuhusan ng tubig si Yassi nang pumasok si Simon kasunod si Isabella.

Gusto na nyang lumubog sa kinauupuan lalo na nang magtama ang kanilang mga mata ni Simon.

"Since the CEO and VP were here, ladies and gentlemen, I would like to introduce to you our new Marketing Director and Promotions Director." Mrs. Bautista paused for a while. "Miss Yasmine Marie de Vera, she is our new Marketing Director," itinuro ni Mrs. Bautista si Yassi, at tumayo naman ang dalaga at saka yumuko sa lahat, " our Promotions Director, Mr. Ariston Monteverde."
Tumindig din si Aries at ngumiti sa lahat. Lalaking lalaki ito at hindi kababakasan ng pagiging paminta.

Matapos maipakilala sina Yassi ay nagtayuan ang mga naroon para kamayan sila.

Winelcome sila ng mga ito.Nagpakilala isa isa.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon