Chapter 54

291 35 23
                                    


Walang tigil ang pagpatak ng luha ni Yassi hanggang sa makarating sa mansion.

Buti na lang walang tao sa salas kaya tahimik syang umakyat sa taas.

Sa silid ni Simon sya dumeretso dahil alam nyang nasa kabilang silid si Yaya Marsha at ang mga bata.

Inilabas nya ang nararamdaman. Umiyak sya ng umiyak. Wala namang makakarinig sa labas dahil sound-proof ang silid ni Simon.

Ang sama sama ng loob nya. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Katulad din noong namatay ang kanyang Tatay at pagkawala din ni Blaze.

Ahhh...

Sana pala naniwala sya sa kanyang pagdududa. Pero huli na.

Ang hirap isipin na nagawa ni Simon yun sa kanya.
Dahil ramdam nya ang init ng pagmamahal ni Simon sa kanya at ipinaramdam nitong mahal na mahal sya. 

Sa kabila pala ng lahat ng yun, may nakatagong lihim ang asawa.

Hindi nya malubos-maisip na nagawa ni Simon yun dahil sa kulang ito ng tiwala sa kanya.

She lied. Yes, it's true. Pero hindi sapat yun para pagdudahan sya. Buong buhay nya wala syang minahal na ibang lalaki kundi si Simon lamang. Hindi tamang pag-isipan sya ng masama o pagselosan nito ang kahit sino man... 

Sana hindi na lang sya pinakasalan ni Simon. Sana hindi sya umiiyak ng ganito.

Iniisip pa lang nya na magkakaroon ito ng anak kay Isabella dinudurog na ang puso nya.

Ang sakit...

Naisip nya ang kanyang kambal. Hinaplos nya ang wala pang umbok na tiyan.

Bakit ganito na lang lagi tuwing buntis sya?

May matinding dagok na dumarating sa buhay nya.

"Mga anak, sorry masyadong emotional si Mama ngayon. Kapit lang kayo dyan. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo. I promise..." humihikbing sabi nya.

Matagal syang nakaupo sa kama ni Simon.

Sa mga oras na yun alam nyang kasama pa nito si Isabella.

Naningkit ang kanyang mga mata. Naalaala nya ang pagsisinungaling ng asawa masamahan lang si Isabella.

At nakapagdesisyon sya.

Lumabas sya ng silid ni Simon. Nagulat pa si Yaya Marsha sa kanyang pagpasok sa silid.

Tiningnan nito ang mugto nyang mga mata.

"Yaya pakibaba muna ang mga bata. "  kalmado nyang pakiusap.

Napansin ni Sianna ang pamumugto ng kanyang mga mata.

"Mama, what happened? Did you cry? Did the doctor hurt you?" alam ng bata na galing sya ng hospital kaya ganoon ang tanong nito sa kanya.

"No baby. Napuwing lang ako kanina habang pauwi." kaila nya.

Tiningnan syang mabuti ng bata.

Nagdududa sa sagot nya.

"Sige na baby. Baba muna kayo. May gagawin lang si Mama." pakiusap nya.

Dahil sa sinabi nya kinuha na rin ni Yaya Marsha si MJ.

"Bababa muna kami Ma'am." paalam nito.

Hinagkan muna nya ang kanyang anak.

"I love you baby." bulong nya.

Mula sa ilalim ng closet ay kinuha nya ang nakatago nyang maleta.

Determinado syang umalis sa bahay ni Simon. She'll bring their son.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon