Chapter 44

287 29 53
                                    

Kanina pa tinatawagan ni Simon si Yassi ngunit unattended ang phone nito. Nag-aalala na sya sa dalaga. Malakas ang ulan kanina bagama't tumila na nang oras na yun.

It's almost 11PM.

Nasa salas siya at hinihintay ito.

Nang makarinig ng tunog ng sasakyan sa tapat ng gate ay napatayo si Simon sa kinauupuan nito.

Kaagad nyang niyakap si Yassi nang pumasok ito sa nakabukas pang pinto.

"I've been calling but your phone is off." sabi ni Simon.

"Sorry. Low bat ang cp ko at di ko pala dala ang power bank ko." yumakap din si Yassi kay Simon. "Kumain ka na?" tanong nya.

Umiling si Simon.

"Umm, wait for me here. Magbibihis lang ako. Then ipaghahain na kita."

Chinarge muna ni Yassi ang kanyang cellphone at bumaba na rin.

Kahit busog pa sya ay pinagsilbihan pa rin nya si Simon. Tumikim din sya ng pagkain para makakain ito ng maayos.

Pasalamat si Yassi dahil habang kumakain sila ni Simon ay hindi ito nagtanong ng tungkol sa pag-alis nila ni Aries papuntang mall.

"Ako na dyan. Magpahinga ka na, gabing gabi na." matapos nilang kumain ni Simon ay huhugasan sana ni Yassi ang mga ginamit nila ngunit binawalan na sya ni Merly.

"Salamat ha."  sagot ni Yassi dito.

"Sige na. Hinihintay ka na ni Sir sa salas." nakangiting sabi ni Merly.

Nang makita ni Simon si Yassi ay tumayo na ito.

Nagkatanguan lang sila at umakyat na sa second floor.

"Goodnight mahal ko. Matulog ka na rin. Almost 12AM na." pabulong na sabi ni Yassi kay Simon.

Naroon ito sa kanyang silid.

"Goodnight." mahinang sabi ni Simon sabay halik sa noo ng dalaga.

Tumalikod si Yassi kay Simon ngunit hawak ang kamay nito  at iniyakap sa sarili.

Napangiti si Simon.

Ilang minuto lang ang nagdaan nakatulog na si Yassi samantalang gising pa si Simon.

Naisip nyang may nililigawan pala si Aries na dati niyang pinagselosan.

Napailing sya sa pagiging seloso nya.

He was about to sleep nang umilaw ang cellphone nyang nasa ibabaw ng side table.
Inabot nya yun at tiningnan.

May message sya sa kanyang IG account.

Binuksan nya ang ipinadalang mensahe ng sender.

Nagulat sya sa nakita. It was Yassi and... his Kuya Sandro.

Maraming pictures ang ipinadala ng sender.

Kuha sa loob ng lobby ng condo na tinitirhan ng kuya nya ang mga larawan.

May picture na nakayakap ang kuya nya kay Yassi. Nakababa ang mga kamay ni Yassi at halatang hindi ito yumakap pabalik sa kanyang kuya.

May kuha naman na nakayakap si Yassi sa baywang ng Kuya Sandro nya habang ang kuya naman nya ay nakaakbay dito.

All pictures have stamped date na may kasamang oras kung kailan nakunan ang mga litrato.

He messaged the sender.

"Who are you?"

Hindi nagreply ang sender.

Napatitig si Simon kay Yassi.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon