Chapter 5

321 22 11
                                    

The whole party, katabi ni Simon si Isabella. She never left his side lalo na nang malamang dumayo pa si Simon from Manila to Batangas.

Nalibang si Simon kahit paano sa birthday celebration ni Mrs. Anoñuevo kaya ang dalawang oras na sana ay ipag-i-stay nya sa okasyon ay inabot na ng 10PM sa halip na 8PM lamang.

Past 10PM nang magpasya nang magpaalam si Simon kina Mr. Anoñuevo.

"Ingat hijo sa pagdadrive." bilin ni Mr. Anoñuevo kay Simon.

"Dito ka na lang kaya matulog, hijo, masyado nang gabi pag luluwas ka pa ng Maynila," ani Mrs. Anoñuevo.

Magalang na tumanggi si Simon dahil aniya naghihintay si Sianna.

Napakunot ang noo ni Isabella ngunit mga magulang na nito  ang nagpaliwanag sa kanya.

Tumango tango ang dalaga nang malamang annulled sa unang asawa si Simon at may anak na isa.

Pagliko sa kanto ay nakita ni Simon ang babaeng naka-motor na sa oras na yun ay nakababa na at nakatalikod habang binubuksan ang harapang pintuan.

Dahan-dahan lang ang pagpatakbo nya at halos di na sya umusad sa kagustuhang makita nya ang buong mukha ng babae.

Sa kasamaang palad, hindi man lang ito lumingon at deretsong pumasok sa loob ng bahay saka isinara agad ang pinto.

Napalatak si Simon.

Ano bang katangahan ang ginagawa nya. Nag-i-stalk sya ng  di nya kilalang babae!

Mabilis na nyang pinatakbo ang kanyang sasakyan nang maisip ang pinaggagawa.

....

"Nay naka-attend ba kayo ng party ni Madam? Ni Mrs. Anoñuevo?" tanong ni Yassi kinabukasan,  paggising nya.

"Naku, hindi. Nakakahiya, puro mayayaman lang ang nakita kong bisita. Sumilip lang ako roon noong bago mag-alas sais habang tulog si MJ." sabi ni Nanay Yolly.

"Ah..." sabay tango ni Yassi.

"Naku yang anak mo, napagkatuwaan ng anak ni Madam." kwento ni Nanay Yolly.

"Anak? Si Ma'am Melissa po ba?" tukoy ni Yassi sa panganay ng mag-asawang Anoñuevo.

"Hindi, yung sumunod doon. Si Isabella. Ang gandang babae palibhasa sa abroad pumirmi." balita ng nanay nya.

Hindi pa nya nakikita ang tinutukoy ng nanay nya na anak ng kanyang suki.

"Dalaga po ba?" tanong ni Yassi sa ina. Kasi ang panganay ay may asawa't mga anak na.

"Sa tingin ko oo. Kasi magiliw sa mga bata eh. Kahapon halos ayaw ibalik si MJ nang makarga nito."

Napangiti si Yassi. Lahat naman ng kumakarga sa anak nya halos akuin na si MJ. Mabait kasi ito at palangiti.

Mahal na mahal nya ang kanyang anak.

𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘯𝘢𝘬...

Usal ni Yassi habang minamasdan si MJ sa kuna nito.

"Si Lola po ba, dumalo?" naisipan nyang itanong.

"Naku asa ka pa sa lola mo. Nasa loob lang ng bahay maghapon ang lola mo. Kaya nga nagpadala na lang ng mga pagkain sina Madam. Kumain ka ba kagabi?" 

May nakita syang mga pagkain sa ref pero di na sya kumain.

"Meron Nay kaya lang di na po ako kumain eh. Antok na ako kagabi. Tulog na tulog na kayo ni MJ, kaya natulog na rin ako."

"Oo maaga kaming nakatulog ni MJ. Parang malaking tao na ang tulog nya, di kagaya ng dati." kwento ni Nanay Yolly.

Napansin nga din ni Yassi na habang lumalaki si MJ, humahaba na ang tulog at hindi  na gising ng gising.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon