Chapter 28

354 32 14
                                    

It was a gloomy Tuesday kasabay ng makulimlim na panahon ay ang tila pagdilim din ng mundo ni Yassi.

Ramdam na nya ang pagbabago ni Simon.

Since Monday ay gabing gabi na ito kung umuwi. Pahapyaw na lang nitong tingnan ang mga bata kasi natutulog na. Ganoon pa man, kahit apektado sya, she ignored his coldness.

Bakit pa ba sya magpapaapekto? Nasa mansion naman sya nito dahil kay MJ. Wala nang ibang rason.

𝘙𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺?

Wednesday morning when she received a call. Informing her na kailangan na nyang magreport sa work next Monday.

Labis labis ang saya niya. Makakapagsimula na sya sa bagong trabaho.

Tinawagan nya agad si Sandro para ibalita yun.

He congratulated her once again.

"Just be confident Yassi. I know you can do your job!"

"Salamat Sandz."

After their short convo, bakit nangilid ang luha nya?

Is it because kay Simon?

Si Simon ang gusto nyang tawagan, but apparently his coldness made her doubt kung dapat pa ba nyang sabihin dito ang kanyang nalalapit na pagbabalik-trabaho.

She sighed.

Malalaman din naman nito so wag na lang.

Kailangan nya ng mga corporate attire na susuotin.

Luma na ang mga dati nyang damit at iniwan nya yun sa Batangas. Kailangan nya ng bago. Tanging ang suot nya sa interview ang meron sya. Paulit ulit na nga nyang nasuot yun sa iba't ibang interview.

She called Sandro.

Agad naman itong sumagot.

"Sandz, may lakad ka ba sa Saturday?" she asked.

"Wala naman. Why?"

Nahihiyang inaya ni Yassi ang binata para magpasamang bumili ng damit.

"Sure Yassi. Matagal din naman akong di nakapag-mall, tamang tama. Kasama ba ang mga kids?"

"I'd rather not. I mean para makabalik na agad tayo."

"Okay. See you on Saturday."

Napangiti si Yassi matapos maibaba ang phone.

Mabuti na lang laging nandyan si Sandro na naaakay nya anytime.

Walang imik si Simon nang magsabi syang may bibilhin sa mall. Araw na yun ng Sabado at on the spot na syang nagsabi dito.

Sina Manang Belen ay nangakong babantayan si MJ dahil sabi nito ay baka mapagod na si Yaya Marsha kay Sianna. Sabi naman ni Sonia ay siya na lamang ang mag-aalaga kay MJ.

Natatawa na lamang sya dahil pinag-aagawan si MJ sa pag-aalaga.

"Thank you ha. Pero andito naman si Simon, baka sya rin ang magbantay sa anak nya mamaya. Uuwi rin naman ako kaagad."

"Ay kala ko naman aalis kayong dalawa?" tudyo ni Sonia.

Tumawa lang si Yassi.

"Si Sandro ang kasama ko."

Sabay pang nagkatinginan si Manang Belen at Sonia sa sagot ni Yassi.

She ignored them.

Hindi na pumasok sa loob si Sandro at hinintay na lamang sa labas si Yassi.

Minessage na lang nya ito nang nasa tapat ng mansion ni Simon.

"Aalis na ako." paalam ni Yassi kay Simon nang madaanan ni Yassi ito sa sala.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon