Chapter 48

347 26 17
                                    

She's walking down the red carpet na nasasabugan ng mga petals ng red and white roses. Hindi mapigilan ni Yassi na hindi mangilid ang mga luha.

Sumapit na ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Simon.

Who would thought na sa kasalan din hahantong ang relasyon nila ni Simon?

Nakakapit sya sa bisig ng nag-iisang kapatid na lalaki ng nanay niya, ang kanyang Tiyo Manolo. Ito ang maghahatid sa kanya sa ginawang altar kung saan tanaw nyang naghihintay na si Simon.

Nang makita ni Simon si Yassi na naglalakad hatid ng tiyo nito di mapigilan  ni Simon ang magkahalong saya at kabang nararamdaman. He can't help kundi ang maluha sa kaligayahan.

Yassi is the most beautiful bride he had ever seen. Suot ang trahe de boda na kanilang ipinagawa she is indeed the most beautiful bride in his eyes.

Nang iabot ni Tiyo Manolo ang kamay ni Yassi sa kanya, di napigilan ni Simon ang di maluha, ganoon din naman si Yassi.

Then the solemn ceremony started.

Kinabahan si Simon nang itanong ng officiating priest kung may tututol sa kanilang kasal.

Walang sumagot sa mga taong naroron kaya ipinagpatuloy  ang kabuuan ng kasalan.

Hanggang dumating na rin ang pinakahihintay nila ni Yassi.

"Do you Simon, take this woman to be your lawfully wedded wife, to live together in matrimony, to love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?" tanong ng pari kay Simon.

"Yes Father, I do." tugon ni Simon dito.

Humarap naman ang pari kay Yassi.  He asked the same question.

"Do you Yassi,  take this man to be your lawfully wedded husband,  to live together in matrimony, to love him, comfort him,  honor and keep him, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?"

"I do Father." tugon ni Yassi.

Matapos noon ay ang pagsusuot ng singsing ng dalawa.

Ilang sandali pa, idineklara na ng pari na sila ay mag-asawa na.

The crowd cheered nang halikan ni Simon si Yassi.

Nagsimula na ang picture taking at makalipas ang halos 30 minutos ay dumeretso na sa reception ang lahat, sa function hall ng resort.

"Congrats Pare! Finally!" masayang bati ni Howard kay Simon.

Marami pang mga bisita ang bumati sa dalawa.

"Binabati ko kayo apo at Simon." masayang sabi ni Lola Adela sa dalawang bagong kasal.

Niyakap ni Yassi ang kanyang lola.

"Salamat po 'La."

"Anak... Maligaya ako dahil ang pangarap nyo ay natupad na." sabi naman ni Nanay Yolly.

"Nay!" niyakap din ni Yassi ang ina at nang maalaala ang ama ay tuluyan na syang lumuha. "Naalaala ko si Tatay..."

"It's okay love. Sshhh... Tatay Mario is now happy. Stop crying..." pang-aalo naman ni Simon sa asawa.

Kung hindi lang water proof ang make up ni Yassi marahil kanina pa kumalat yun sa mukha nya.

"Best wishes Si and Yassi!" masayang bati naman nina Don Fernan at Donya Luisa.

Lahat ng angkan ng buong Marcos ay bumati sa dalawa.

"Congrats Kuya Si and Yassi. You made it! You deserve to be happy!" bati ni Vinny sa dalawa.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon