Chapter 12

314 27 15
                                    

Simon spent his weekend sa kanyang villa. Tinatawagan sya ni Isabella but he ignored her calls.

Pansamantala muna nyang pinatay ang kanyang phone at naglakad lakad sa bisinidad ng exclusive resort.

He went to the shore na nakapaa lang.

Nang mainip sa tabing-dagat ay bumalik na sya sa kanyang villa.

At hindi sya pinatahimik ng mga gunita.

Naalaala nya si Yassi at ang nakaraan nila sa villa.

Napamura sya sa kanyang isip.




"Mama, ba-bye na! Baby MJ!"

"Ingat kayo!"

"Lola Adela, Nanay Yolly ba-bye po." masayang paalam nina Sianna sa mag-anak.

"Thank you po. We'll be back again." paalam naman ni Sandro.

"Sige at kayo ay mag-iingat." sagot naman ni Nanay Yolly at Lola Adela.

Huling sumakay sa kanyang sasakyan si Blaze matapos ding magpaalam.

"Ingat kayong lahat. Ba-bye!"

Nang makaalis na ang mga bisita ay pumasok na sa loob sina Yassi.


Ilang bote na ng beer ang naubos ni Simon nang ipasya niyang matulog na lamang.

Dumayo lang pala sya sa villa para uminom.

Hindi makakatulong sa kanya ang paglalasing.

The least he can do is accept the fact na wala na sa kanya si Yassi.

Ang sakit mang isipin.

Maagang nakatulog si MJ dahil maghapon itong gising sa pakikipaglaro sa Ate Sianna nito. Si Nanay Yolly ay nasa sariling silid nito upang doon matulog.

Naisip ni Yassi na sana nga ay hindi madulas si Sianna sa kanyang ama.

She stared at her son.
Napahigit ng malalim na hininga si Yassi.

"Kung hindi tayo iniwan ng Papa mo anak, okay pa siguro kami. I promised him na hindi ako bibitaw no matter what. Pero wala sya ng kailangan natin sya. He was with his real wife. Tama lang na bumitaw na ako. Hindi naman nya tayo kailangan. Hindi man tayo kumpleto, I promise, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng makakaya ni Mama. I love you so much."

Kumirot ang puso nya. Hanggang ngayon masakit pa rin ang ginawa ni Simon.

Tapos may gana pa itong kausapin sya. No, never again syang makikinig kay Simon. Ayaw na nyang magulo ang buhay nya.

Balik trabaho na naman sya at kapag ganoon ay nalulungkot sya. Maiiwan na naman si MJ sa kanyang ina at lola.

"Para sa future mo anak."



Tanghali na nang magising si Simon.

Nagkalat sa kusina kung saan sya uminom kaya niligpit muna nya yun. Mga basyo ng alak at mga pagkaing di nya naubos.

Matapos mailagay sa tamang basurahan sa labas ng kanyang villa ay naligo na sya.

Back to his life sa Manila.

He saw his phone na may mga missed calls from Isabella. Napahigit sya ng hininga.
Ano bang meron sila ni Isabella?

He called her.

"Good Morning Si! Where are you? Hindi mo sinasagot mga calls ko." she said.

"Sorry I wasn't in the house. I'm here in Batangas. Pauwi na ako."

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon