Chapter 35

369 35 11
                                    

"Mama! Dada!" masayang salubong nina Sianna at MJ sa mga magulang.

"Mama! Papa!"  sabi naman ni MJ.

"Naku ang mga baby ko na-miss ata nila ang Mama nila!" lambing ni Yassi sa mga bata.

Pareho nyang hinalikan ang mga ito. Kinarga niya si MJ at sinayaw sayaw.

"Mama change your shoes muna." ani Sianna.

Umupo sila ni Simon at maagap na pinalitan ni Sianna ang mga sapin nila sa paa.

Parang may kamay na mainit na humaplos sa puso ni Yassi.

Sianna is growing so fast. At mabuti itong bata. Maalalahanin at maasikaso sa kanila ni Simon.

"Wait us here babies, we'll change our clothes na para makakain na tayo." paalam ni Simon sa mga bata.

Kinuha na ni Yaya Marsha si MJ kay Yassi.

"Aakyat muna si Mama, baby." muling hinalikan ni Yassi ang anak.

Nauna sa hagdanan si Yassi.  Pakiramdam niya minamasdan sya ni Simon mula sa likuran.

Paglingon nya nakatingin ito sa kanya.

"Don't wear that again." sabi nito.

Kumunot ang noo ni Yassi.

"That skirt is too short. They're looking at your legs kanina while you're discussing your proposal."

Gustong matawa ni Yassi sa sinabing yun ni Simon.

Sa legs pala nya nakatingin ang mga nasa room kanina?

No wonder asar sa kanya si Isabella. Nakasuot ito ng pants pero cleavage naman nito ang panlaban. Well, lumusog na din naman yung kanya kaya lang di sya mahilig mag-expose ng skin maliban sa shoulder at ngayon nga nag-i-skirt na sya. So exposed ang legs nya.

"This is more decent kesa other part pa ng katawan ko ang makita nila." sabi nya.

Huminga ng malalim si Simon.

Tumaas lang ang kilay ni Yassi. Nangingiti sya sa pagiging conservative nito.

Si Sandro ang pumili ng outfit na yun. Naalaala na naman nya si Sandro.

𝘒𝘶𝘮𝘶𝘴𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢?

Sunod na linggo  ay busy na masyado sa kanyang trabaho si Yassi.

Sina  Aries at Ricky ay laging nasa opisina nya para sa kanilang brainstorming. Approved na ang kanilang mga plano at may mga budget na para sa advertising at promotion.

Si Ricky ay abala para sa advertising ng mga produkto nilang eendorso sa publiko lalo na ang damit at cosmetic products. Humina ang sales ng mga ito sa quarter na yun. Malaking challenge sa kanilang lahat paano ito papataasin. Since nailahad  na ni Yassi ang marketing strategies, ang kasunod na ay advertising at promotion.

"Haizzt! Nakakapagod!" daing ni Ricky.

"Wala pa tayo sa kalagitnaan ng laban. Gora lang!" sabi ni Yassi.

"Yes kailangan nating pagbutihan. Pag sumablay tayo, pare-pareho tayong nganga." sagot naman ni Aries.

"Next week na ang brainstorming ng team namin sa ads." balita ni Ricky.

"Goodluck Ricky. Kaya natin yan. If you need help, hingi ka lang ng tulong sa department namin." ani Aries.

"Tama. We are  one team so i-execute natin lahat ng plans natin ng sama-sama." ani Yassi.

Matapos mag-fist bump ang tatlo ay umalis na sina Aries at Ricky sa opisina ni Yassi.

"Are you going to take a break now?" tanong ni Simon.
Ilang araw na kasi siyang di sumasabay ng break dito.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon