Chapter 31

335 32 3
                                    

Matapos ang brainstorming nina Yassi, Ricky at Aries ay pinagtulungan na rin nilang gawin ang slides.

May mga binago sa original na gawa ni Yassi. Mas pinaganda pa nila.

Inaral kasi nila kung  bakit mababa ang sales ng mga hawak nilang produkto. Ano ang factors, at anu-ano ang mga plano para ma-resolve ito ng pangmatagalan.

Coffe break na kaya sandali silang tumigil.

"Tara at mag-coffee break muna!" yaya ni Ricky.

"Game!" sabi naman ni Aries.

Tumunog ang cellphone ni Yassi.

It was Simon. Umakyat daw sya sa taas para mag-break.

"I'm with my team. Next time na lang." Yassi rejected his invitation.

Kumunot ang noo ni Simon nang matanggap ang reply ni Yassi.

Biglang pumasok si Isabella at malambing syang inaya sa canteen.

Napaisip si Simon, kung sasama sya dito, makikita nya si Yassi at ang mga kasama nito, that is pag sa canteen magbi-break ang mga ito.

He said yes to Isabella.

Hindi magkandaugaga ang mga canteen personnel sa biglaang pagpunta sa canteen ng dalawa sa may mataas na posisyon sa company. Magiliw nilang inasikaso sina Simon at Isabella.

Sa cafeteria area ng canteen sila pumila. They ordered brewed coffee and two slices of cake.

Then they sat down sa mesang malapit sa pintuan.

Nasa hallway si Yassi at masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasama nang matanaw nya si Simon. Napasimangot  sya dahil kasama nito si Isabella. Tumanggi lang syang mag-coffee break sa pantry ni Simon, kasama na nito si Isabella. Wow ha!

Binati nina Aries at Ricky ang mga big bosses. Tumango lang si Yassi sa mga ito bilang pagbati at mabilis ding iniiwas ang paningin.

"What do you want Yassi? Ako na ang oorder sa iyo girl." bulong ni Aries sa dalaga. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha.

"Really? Treat mo ako?" birong pabulong din ni Yassi. Si Ricky naman ay nauna na.

"Oo naman girl, alam mo ang sikreto ko eh." nakatawang bulong ni Aries.

"Hahaha! Gagi! Okay lang yun. Secret lang natin yun kahit di mo ako ilibre." sabi naman ni Yassi.

"No ililibre na kita. What coffee?" giit ni Aries.

"Hmmm... Cappuccino na lang saka isang slice ng cheesecake." sagot ni Yassi.

"Yun lang?" tanong ni Aries.

"Oo."

"Sige upo ka na. Ako nang bahala." pagtataboy ni Aries kay Yassi.

Umupo na si Yassi sa mesang pang apatan na pinuwestuhan ni Ricky, nauna kasi ito. Natatawa sya ng lihim kay Aries. Ang galing kasi nitong magtago ng pagkatao. Lalaking lalaki kapag may ibang tao sa paligid. Kapag sila na lang dalawa ay talo pa sya sa kaartehan.

Habang nasa pila pa ng pag-order si Aries ay
iniwasan ni Yassi na madako ang tingin kina Isabella at Simon.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Simon. Nakita nga niya si Yassi at ang mga kasama nito ngunit nainis naman sya sa kanyang nakita. Two days pa lang close na sina Yassi at si Aries.

"Thanks Aries!"

"Welcome Yassi!"

Narinig pa nya ang palitan ng mga usapan ng dalawa.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon