Chapter 41

311 26 2
                                    

Naging usap-usapan sa kumpanya ni Simon ang pagsama nito sa team nina Yassi. 

Kumalat na rin sa kumpanya na kasintahan nito ang dalaga.

Ipinagkibit-balikat na lamang yun ni Yassi. Wala namang maglakas-loob na magtanong sa kanya. Marahil nahihiya rin ang mga staff nila.

No confirmation from her.

"Girl, kumakalat na ang balitang kayo na ni Sir." bulong ni Aries kay Yassi nang pumasok sa opisina nya.

"Hayaan mo sila." balewalang sagot ni Yassi habang nakatutok pa rin sa binabasa nito sa laptop.

"Tinatanong ako sa labas ng mga staff kung kayo na raw ba talaga. Sabi ko wala akong alam." dagdag pang sabi ni Aries.

"Wag mo na lang pansinin. Bakit di ako ang tanungin." sagot ni Yassi.

"Pag tinanong ka ba, aamin ka ba?"

"Hindi rin."

"Kitam." ingos ni Aries.

Tumawa lang si Yassi.

.....

Sabay na nag-lunch sina Yassi at Simon sa pantry. Nagbaon na lang  sila dahil ayaw nang kumain sa labas ni Yassi.

Habang pinapainit ni Yassi ang ulam sa microwave ay abala naman si Simon sa pagtawag sa mansion. Kausap nito si Sianna.

"You take care of your brother okay!" bilin nya dito.

'Yes Dada. Where's Mama?"

"She's preparing our food."

"Ah okay Dada."

"Okay. Gonna end this now. Bye."

Pagkatapos mainit ni Yassi ang kanilang mga ulam ay umupo na rin ito sa tapat ni Simon.

"How's the kids?" tanong nya.

"They're fine. They're playing when I called up." tugon ni Simon.

Tumango tango si Yassi.

Nagsimula na silang kumain.

Masaya silang nagkwentuhan tungkol sa mga baay-bagay hanggang madako ang usapan nila sa kanilang relasyom.

"They're talking about us. I just ignore them." sabi ni Yassi.

"Don't pay too much attention on them." pabalewalang sagot ni Simon.

Nang matapos na silang kumain ay niligpit na ni Yassi ang kanilang pinagkainan. Kasunod nun ay pareho na silang nagsepilyo ni Simon.

"Balik na ako sa office." paalam na nya nang makabalik sa loob ng opisina ni Simon.

Napatingin sa kanyang relo si Simon.

"Later..." he answered at naglambing kay Yassi.

He grabbed Yassi's waist and hugged her.

Nagulat man ay hindi na tumanggi si Yassi nang yakapin sya ni Simon.

"Ano yan?" bulong nya dito habang nakatingala.

"Nothing. I just want to hug you." bulong ni Simon.

Napangiti si Yassi.

She wrap her arms around Simon's neck.

Nakangiting nagkatitigan sila nito.

"Hmmm... Last 2 minutes." pabulong na sabi ni Yassi.

Natawa si Simon sa kanyang countdown.

"It's five minutes more." anas nito.

Pinisi ni Yassi ang ilong ni Simon.

"Hmm.. Masyado nang mahaba." nakangiti nyang reklamo.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon