Sumapit ang tanghalian at sabay sabay na silang kumain. Bihira naman ang bumibili sa tindahan sa ganoong oras kaya sumabay na sina Nanay Yolly at Lola Adela kina Yassi.
Habang kumakain ay nagkukwentuhan silang tatlo. Tahimik lang na nakikinig si Simon habang inaasistihan ang anak.
"Ay oo nga pala, yung anak nga pala ni Madam ni Mrs. Anoñuevo ay buntis. Nakita ko noong isang araw nagpapainit sa harap ng kanilang bahay. Ang putla kasi nya. Eh matanong nga anak, may boyfriend ba yun sa kumpanya nyo? Di ba magkatrabaho kayo nun?" usisa ni Nanay Yolly kay Yassi. Muntik pang mabilaukan si Yassi sa tanong na yun ng ina.
"Ewan ho." paiwas na sagot ni Yassi.
"Ah Simon, di ba kaibigan mo yun? Hindi mo ba dadalawin? Nandito ka rin lang." baling naman ni Nanay Yolly sa kanyang manugang. Natigil sa pagsubo si Simon dahil sa sinabi ng nanay ni Yassi.
Umiling si Simon habang nakatingin kay Yassi na kunwa'y hindi pansin ang sinabi ng ina.
"Hindi na po. We're here to spend time with you and Lola Adela." ngumiti ng pilit si Simon sa kanyang biyenan.
Tumango tango naman si Nanay Yolly.
"Naaawa ako sa anak ni Madam. Balita kasi dito, sabi ng mga tsismosang nakatira sa subdivision, may asawa daw yung nakabuntis kay -- ano nga palang pangalan nun Nay?" baling ni Nanay Yolly kay Lola Adela.
"Isabella." sagot naman ng matanda.
"Oo yun nga. Wala daw asawa yung Isabella na yun. Nagulat na lang daw sila dahil buntis na nang iuwi ng mag-asawang Anoñuevo. Ikaw Simon, kilala mo ba ang nobyo ng kaibigan mo?"
Mabilis na sumagot si Yassi.
"Nay, personal matter na po yan."
"Ay sorry. Naku nahawa na ata ako sa mga bumibili sa tindahan." natatawang sagot ni Nanay Yolly.
Napansin ni Yassi na halos hindi na galawin ni Simon ang kanyang pagkain.
"Kumain ka pa." sabi nya. Inabutan pa nya ng ulam si Simon.
Napatingin si Simon kay Yassi habang naglalagay ng ulam at kanin sa harap niya.
"Eat that. Ako ang nagluto nyan." tipid na ngiti ni Yassi kay Simon.
Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Simon.
Ramdam nya ang pag-aasikasong ginagawa ni Yassi sa kanya ay hindi pakitang tao lang. At higit sa lahat pinagtakpan pa sya nito sa kanyang nanay at lola.Nagpatuloy silang kumain at winaksi na ni Nanay Yolly ang pagtatanong.
Matapos ang tanghalian ay nakaramdam ng pagkaantok si Yassi kaya nagpaalam sa ina.
"Nay aakyat lang ako para matulog. Bahala po muna kayo kay MJ."
"Hala matulog ka na nga muna. Nanlalalim ang mga mata mo baka inaatake ka na naman ng insomnia. Ganyang-ganyan ka noong ipinagbubuntis mo si MJ. Hirap kang makatulog sa gabi. Hanggang ngayon pa rin ba?" tanong ni Nanay Yolly.
"Hindi naman po." pag-iwas na sagot ni Yassi. Hindi nya masabing di sya makatulog ng maayos sa gabi sa kaiisip sa kanyang asawa.
"Hala umakyat na muna kayong mag-asawa. Sa tindahan muna kami ni MJ at mukhang may inuungot na gustong kainin itong apo ko." akay ni Lola Adela kay MJ.
"Sige na. Simon, samahan mo ang iyong asawa sa taas." utos ni Nanay Yolly kay Simon.
Walang alam sina Nanay Yolly at Lola Adela sa sitwasyon ng dalawa kaya nagkatinginan na lang sina Yassi at Simon.
Humakbang na paakyat ng hagdan si Yassi at nakasunod naman si Simon.
"Matutulog ako." seryosong sabi ni Yassi nang makarating sila sa silid.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?