Chapter 22

385 31 14
                                    

After one week ay sinundo na ni Simon ang anak sa bahay nina Yassi.

Katakot takot na halik ang ginawa ni Yassi sa anak bago ito ibinigay kay Simon.

"I love you baby. Behave ka kay Papa ha." bulong ni Yassi.

"Mama, bakit ayaw mong sumama sa amin?" tanong ni Sianna."

Hinaplos ni Yassi ang ulo ng bata.

"May work kasi ang Mama, anak."

"You don't need to work Mama. Dada can do that." sagot ni Sianna.

Umiling si Yassi.

Paano ba nya i-explain kay Sianna na hindi naman kasi sila kasal ni Simon? Marami siyang responsibilidad sa buhay. Ang Nanay Yolly at Lola Adela nya.

"Sige na baby. Lakad na kayo nina Dada at Yaya Marsha. Pakibantayan na lang si MJ ha?" naiiyak nang paalam ni Yassi.

"Yes Mama." malungkot na sagot ni Sianna.

Karga na ni Simon ang anak.
Tiningnan niya si Yassi ngunit iniiwas nitong magtama ang kanilang mga mata.

"Yass----" di na natapos ni Simon ang sasabihin dahil ipinagtabuyan na sila ni Yassi.

"Alis na kayo. Aabutin pa kayo ng trapik at dilim..."

"Nay, La, aakyat na po ako..." mabilis na umalis si Yassi at iniwan sa labas sina Simon na hindi na nito tinapunan ng tingin ang anak.

"Naku pasensya ka na Simon, malungkot lang si Yassi kaya nagkaganon ang batang yun. Sige na lumakad na kayo. Pakaingatan mo si MJ." ani Lola Adela at humalik sa apo.

"Lakad na kayo. Kami na ang bahala kay Yassi. Nalulungkot lang yun kasi isang buwan na mawawalay sa kanya ang anak nya." sabi naman ni Nanay Yolly.

Humigit ng malalim na hininga si Simon. Mabigat rin ang dibdib nya.

Bakit di lubusan ang nararamdaman nyang saya?

Napatingin sya sa bintana sa taas.

Alam nyang nakasilip roon si Yassi at nagkukubli lamang sa mga kurtina.

Ibinigay na ni Simon ang anak kay Yaya Marsha bago pumasok sa sasakyan.

Panay naman ang linga ni MJ sa paligid. Tila may hinahanap.

Napabuga ng hangin si Simon. Tumingin sya sa front mirror dahil nasa backseat sina Yaya Marsha, nakita nyang di rin mapakali ang anak.

𝘋𝘢𝘮𝘯....

Pakiramdam nya masama siyang tao dahil pinaghiwalay niya ang anak nyang si MJ sa ina nito na si Yassi.



"Bakit kasi pinili mong malayo sa iyo ang anak mo eh may pagpipilian ka namang iba?" pang-aalo ni Nanay Yolly sa anak.

Lumuha lang si Yassi.

"Hala, isang buwan pa namang na kay Simon si MJ, kaya mo ba?" muling tanong ni Nanay Yolly sa anak.

Nakatagilid si Yassi at nakayakap sa unan ni MJ.

"Siya, bababa na ako. Tama na ang pag-iyak. Babalik din naman si MJ. Isipin mong magbabakasyon lang ang anak mo sa ama nito."

Nang maiwan sa kanyang kwarto ay doon na itinodo ni Yassi ang pag-iyak. Saglit lang ay namimiss na nya ang kanyang anak.

Naisipan nyang tawagan si Sandro.

Nag-alala si Sandro ng marinig na umiiyak si Yassi.

"Hey, bakit ka umiiyak? Di ba okay na si MJ?"

Nang marinig ni Yassi ang pangalan ng anak ay lalo pa itong umiyak.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon