Chapter 9

320 25 10
                                    

"Nak, gising na. May pasok ka ba?"

Napamulat ng mga mata si Yassi. Nakalimutan nyang mag-alarm buti ginising sya ng ina.

Napagod kasi sya sa pagba-bonding ni MJ at Blaze.

Haizzt! Madalian syang naligo. May oras pa naman. Kaagad syang nagbihis at isinuot ang uniporme saka ang jacket nya.

Hinalikan pa nya si MJ na natutulog nang mahimbing sa kanyang kama at nagpaalam na sya sa kanyang ina.

Mabilis nyang pinatakbo ang kanyang motor nang makababa.

Umovertake sya sa naabutan nya na isang  sasakyan nang malapit na siya sa gate.

Napatingin si Sandro sa babaeng naka-motor at naka-helmet na nagmamadaling lumabas sa subdivision ring yun.

Paluwas kasi ng Maynila si Sandro nang makatanggap sya ng importanteng tawag mula sa kanyang staff kahapon. May nakalimutang papirmahan sa kanya at babalikan nya yun.

Nakahinga ng maayos si Yassi nang makalabas sa main road at tahakin ang fastfood chain.

8 hours na naman nyang bubunuin ang araw na malayo sa anak.

Nagulat sya sa kanyang pag-off nang makita si Blaze. Nasa counter na ito at nagti-take out ng mga pagkain.

"Blaze!"

"Yassi!"

"Oy ang dami nyan." bati ng dalaga.

"Madami na ba? Tara na."

"Hah? Saan tayo pupunta?" tanong ni Yassi.

"Syempre uuwi na. Tara nang umuwi sa inyo," yaya na ni Blaze.

Napangiti si Yassi sa tinuran ni Blaze.

Lahat pala ng inorder nito ay para sa pamilya nya.

Magkasunod lang nilang ipinarada ang kanilang mga sasakyan sa labas ng kanilang bakuran.

"Mama, Mama, Mama," salubong ni MJ na karga ni Nanay Yolly.

"Hello baby! Kumusta ang buong araw mo?"

"Blaze nadalaw ka ulit!" bati ni Nanay Yolly.

"Opo 'Nay. May sasabihin po kasi ako."

"Ay sya, sige pasok ka at medyo mainit ngayon."

"Magbihis lang ako 'Nay, Blaze. Si Lola po?" tanong ni Yassi.

"Nasa kapitbahay."

"Blaze bibihis lang ako ha."

....

"Sabihin mo na Blaze..." untag ni Nanay Yolly sa katabing binata habang pinapakain nito si MJ ng french fries.

Napatingin si Yassi kay Blaze na nagkakamot ng ulo.

"May sasabihin ka?" tanong ng dalaga.

"Kumain ka muna," sagot ng binata habang inaabot sa kanya ang lagayan ng tinake-out na pagkain.

Katahimikan...

"Sabihin mo na, busog na ako."
ani Yassi nang paubos na ang spaghetti na kinakain.

"Ummm, nahihiya pa ang batang ito. Sige ako na ang magsasabi. Anak, samahan mo raw sya sa birthday ng Ninong nya sa Manila." kaswal na sabi ni Nanay Yolly.

"Po? Eh hindi naman nya ako inaaya eh." ganting sagot ni Yassi na nakatingin kay Blaze.

Nahihiyang nagkamot ng kanyang ulo ang binata.

Gustong matawa ni Yassi.

"Kelan ba yun, Blaze?"

"Sa Saturday na. Pero okay lang may pasok ka yata." ani Blaze.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon