Chapter 47

288 23 23
                                    

Hindi mailarawan ang sayang nararamdaman ni Yassi nang puntahan nila ni Simon ang isang kilalang fashion designer na kilala sa paggawa ng mga gown.

"Oh, soon to be Mrs. Marcos, nice to meet you!" nakangiting bati ng gay designer.

"Thank you." kiming sagot ni Yassi.

."Can we see the sketches of the wedding gowns we're talking about last week?" maagap na tanong ni Simon. Ayaw na kasi nilang magtagal sa labas at baka may makakita pa sa kanila na taga-media kaya direkta na agad niyang tinanong ang designer. Bago pa man sila pumunta roon ay batid na ng designer kung anong hanap nilang designs.

"Yes Sir. I created series of new designs, you can choose here." ibinigay ng designer ang sketch pad nito na hindi pa nasasalin sa computer. Isa isa nitong ipinaliwanag sa dalawa ang detalye ng bawat kasuotan.

Parang iisa naman ang isip nina Yassi at Simon nang piliin nila ang iisang disenyo.

"Great choice! Actually itong napili nyo ang pinaka the best sa lahat. Simple but very elegant. I promise, mas maganda sa actual ang tatahiin naming wedding gown nyo Miss Yassi." ngiti nito sa dalaga.

Nginitan ni Yassi ang designer.

Ilang sandali pa at kinuhanan na ng sukat si Yassi.

"You're a sexy petite lady!" puri ng designer nang matapos ang pagkuha ng sukat ng dalaga.

"Thank you." nahihiya namang sagot ni Yassi dito.

Pamaya-maya pa ay sinukatan na rin si Simon para sa suit nito. Nang matapos ay kaagad din silang umalis.

Nang makapasok sa loob ng kotse ay napasandal agad sa upuan si Yassi.

"Tired?" tanong ni Simon.

Ngumiti sya.

"Slight. But I am happy dahil tayo ang nag-aasikaso ng kasal natin. Unlike others na nakadepende na lang sa mga wedding coordinators." sabi ni Yassi.

Yun ang totoo. Ayaw ni Yassi na kumuha pa sila ng coordinator. Sa venue na lang sila kukuha ng event organizer. Ang mga damit nila, invitations, souvenirs, cakes, ay sila mismo ang nag-asikaso. Isa pa, gusto nyang maramdaman nila ni Simon kung paano maging hands-on sa preparasyon ng kanilang kasal.

Ginagap ni Simon ang kamay ng dalaga.

"I love you..." taimtim nitong sabi.

"I love you too Si." sagot ni Yassi.

Hinapit ni Simon si Yassi at hinagkan sa tuktok nito.

"Get some rest when we get home." bulong ni Simon.

...

Tuwang-tuwa sina Manang Belen, Sonia, Merly at maging si Yaya Marsha nang mapag-alaman na ang pinagkakaabalahan pala nina Yassi ay ang pag-aasikaso sa kanilang kasal.

Niyakap ni Sonia at Merly si Yassi.

"Naniniwala na ako sa forever!" bulalas ni Sonia.

"Best wishes in advance." masayang sabi naman ni Merly.

"Salamat sa inyo." taos sa puso na pasalamat ni Yassi sa mga kasama nila sa bahay.

Habang yakap ni Yassi ang natutulog na anak ay nakayakap naman sa kanya mula sa kanyang likuran si Simon.

Ilang gabi na naman silang natutulog na magkakatabi.

Kinuha ni Yassi ang kamay ni Simon na nakayakap sa kanya.

Hinawakan nya ito.

Masayang nakatulog si Simon sa masusuyong haplos ni Yassi sa kanyang braso. Ang pangarap niya ay magkakaroon na ng katuparan. Magiging ganap na silang pamilya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon