Chapter 17

388 25 17
                                    

Wala nang nagawa si Yassi kundi pumirma na pinapayagan niyang bisitahin ang anak na si MJ ng kanyang ama na si Simon.

Pati apelyido ng anak ay gustong palitan ni Simon from de Vera to Marcos.
She was helpless. Naging sunud-sunuran na lang siya sa gusto nito para sa anak.

Kung para kay MJ, papayag na sya. Nasa kanya naman ang bata.

The visitation will start next month.

Ilang araw na rin yun dahil malapit na ang katapusan.

Simon chose weekend. Oo nga naman kasi may office ito ng weekdays. Unlike her, running sched ang meron sya pati rest day ay hindi fixed.

Sakto namang hindi sila magtatagpo ni Simon. Ang sched nya ay 6 to 2.

Iikot na lang sya sa lungsod para gabi na sya makauwi. Ayaw pa rin nyang makita si Simon.

Excited na si Simon sa unang pagkikita nila ng kanyang anak. Nakita na nya ito sa malayuan, at sa malapitan, kung saan di naman nya masyadong naaninag ang mukha ng anak.

Sabik na nyang mahagkan at mayakap ang kanyang anak.
Alam na rin ni Sianna ang set up ng co-parenting nila ni Yassi kay MJ. Every weekend ang kanyang pagbisita sa anak at pwede namang sumama si Sianna ngunit sa ngayon ay hindi na muna.

Alas nuwebe pa lang ay nasa Batangas na si Simon. Hindi na sya naligaw dahil nakuha na nya ang tamang address nina Yassi, at alam na niyang yung dati nyang ini-stalk na babae ay si Yassi rin pala.

He smiled when he remembered those days.

Si Nanay Yolly ang unang lumabas nang marinig ang paghinto ng isang sasakyan sa kanilang harapan. Tulad ng inaasahan nila, si Simon nga ang bumaba mula sa sasakyan bitbit ang ilang eco-bag ng isang kilalang supermarket.

Nakangiting sinalubong ni Nanay Yolly si Simon.

Ibinaba ni Simon ang mga dala at kinakabahang kinuha si MJ mula kay Nanay Yolly matapos magmano. Si Nanay Yolly na ang nagbitbit sa mga dala nyang pasalubong.

Nagulat sya dahil mabigat ang anak.

"Dito na kayo sa loob, Simon." ani Nanay Yolly.

Nangingilid ang luha na pumasok sa loob ng bahay si Simon habang karga ang anak. Nakatitig naman sa mukha nya si MJ.
Umupo sya habang kalong si MJ at nilaro laro ni Nanay Yolly ang apo.

Sya namang paglabas ni Lola Adela. Gamit ang kanang kamay ay nagmano rin dito si Simon.

"MJ, sino yan?" nakangiting tanong ni Lola Adela.

Tumitig si MJ sa ama. Yung titig na sinisino ang may buhat sa kanya.

"Ang Papa mo 'yan." sagot naman ni Nanay Yolly na nakatawa.

Ngumiti lang si Simon sa anak habang nakatitig din sya dito.

Lumingon si MJ sa kanyang lola.

"Papa?"

Tumango si Nanay Yolly.

Ibinalik ni MJ ang tingin kay Simon sabay sabi ng, "Papa!"

Sa tuwa ni Simon ay nayakap niya ang anak. Namamasa ang kanyang mga mata. Sunod sunod na halik sa pisngi ang ginawa ni Simon sa anak.

"Papa, Papa, Papa!" sunod sunod rin na sabi ni MJ at lumulukso pa.

Tuwang tuwa silang tatlo.

Binuksan ni Lola Adela ang electric fan sa gilid para mahanginan ang mag-ama.

"Ibaba mo na Simon at malinis naman ang sahig, maglalaro yan." ani Nanay Yolly at iniabot kay MJ ang kotseng laruan.

"Brooom broom! Papa!" sabi nito sabay lingon kay Simon.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon