Chapter 13

295 23 12
                                    

Patay malisyang walang narinig si Sandro. Lumabas din sya sa veranda matapos magkubli.

"Andito pala kayo." bati nya sa dalawa.

"Dude!"

"Wala nagkukwentuhan lang kami ni Blaze." sagot ni Yassi.

"Ang sarap dito sa probinsya. Teka nauna pa tayo sa resthouse mo Blaze, eh mas malapit yung nabili kong rancho." sinikap ni Sandro na pagaanin ang usapan nila.

"Oh sa sunod na lang. May mga kabayo ka ba roon?"

"Of course."

"Kayong dalawa plano ng plano." natatawang sabi ni Yassi.

"You need to enjoy life Yassi." saad naman ni Blaze.

Kung anu-ano pa ang napag-usapan nila hanggang hindi nila namalayan ang oras.

Napangiti si Yassi. Magkasundo naman pala ang dalawang lalaki..

Gabi na nang makabalik na sila sa lungsod. Sina Yassi at MJ kay Blaze na sasakyan nakasakay.

Sina Sianna at Yaya Marsha naman ay sa sasakyan ni Sandro. Magkasunod lang sila nang dumating sa subdivision.

"We're here." text ni Sandro kay Yassi.

"Okay Sandz. Pahinga na kayo. Before going back to Manila daan muna kayo dito ah. May ipapadala ako sa inyo."

"Okay."

"Ingat ka Blaze. Ayaw mo ba talaga ditong matulog? Gagabihin ka sa pagda-drive."

Ngumiti si Blaze.

"Hindi na Yassi. Malapit lang naman ang kina Mama."

"Sus malapit ba yun eh lampas isang oras yata ang byahe papunta roon."

"Kaya ko naman. Sige na."

Walang nagawa si Yassi kundi ihatid na lang ng tanaw ang papalayong sasakyan ng binata.

Nalungkot sya nang maalaala ang mga kinuwento nito sa kanya.

Mga mga lalaking gustong panagutan ang kanilang anak ngunit babae naman ang ayaw.

Naisip din nya may mga babaeng mas nanaisin pang kitilin ang sariling dugo at laman para sa sariling interes. Kawawa naman talaga si Blaze. May anak na pala dapat sya. Siguro sobrang nasaktan ito kaya di na nagmahal ng iba.

Nakunsensya siya nang maisip nyang nagmahal din ng iba si Blaze kaya lang may mahal namang iba yung babae.

Siya yun.

Mahal pa nga ba nya si Simon?




Napapansin ni Simon na laging may kausap si Sianna sa phone nito.

Curious siya ngunit ayaw nyang makialam sa bata. She's growing up and she is beginning to explore everything. Ilang taon na ba sya? She's already six.

Parang kailan lang.

"Mama after my exam dadalaw kami sa inyo ha?"

"Sige baby. Mag-aral kang mabuti. Iwasan muna ang pagsi-cellphone." sabi naman ni Yassi.

"Mama, ginagamit ko lang ang cellphone pag tinatawagan ka." sagot ng bata.

"You can use cellphone naman baby for some other things. Basta focus ka pa rin sa studies mo, okay."

"Yes Mama."

"Okay sleep ka na. It's getting late na."

"Okay Mama, I love you."

"I love you too."

"Kiss mo ako Mama kay MJ."

"Sure."

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon