"Dito ka na sa bed, dyan ako." pagtataboy ni Yassi kay Simon mula sa sahig na may foam.
"No, you stay there, dito na ako." sabi naman ni Simon.
"Are you sure, okay ka lang dyan?" tanong pa ni Yassi kay Simon.
"Yeah." humiga na si Simon. Yumakap sa isang unan.
Humiga na rin si Yassi sa kama.
Ilang saglit pa at tulog na si Simon. Naramdaman yun ni Yassi.
Nagulat pa si Yassi na nakatulog ito agad. Napagod ata sa pag-aalaga ng anak. Tumingin si Yassi sa sahig, nakapikit na nga at nakayakap sa isang unan si Simon.
Dahan dahan siyang bumaba at inayos ang kumot nito. Medyo malamig sa kwarto dahil binuksan niya ang aircon. Nasa kabila sa kanyang nanay si MJ. Doon na ito pinatulog ng Nanay Yolly niya.
Paalis na si Simon at gising na rin si MJ. Iyak ng iyak ang bata at ayaw bumitaw sa ama.
Nadudurog ang puso ni Yassi.
"Babalik din si Papa!" alo niya sa anak.
Hirap din ang kalooban ni Simon na iwanan ang anak. Nasa loob na si Simon ng kanyang sasakyan ay naririnig pa nya ang iyak ni MJ.
Gusto nyang balikan ang anak para aluin pero tapos na ang oras nya.
Huminga ng malalim si Yassi.
Mamamaos lang sa kaiiyak si MJ.Paaandarin na sana ni Simon ang kanyang sasakyan ng marinig niya ang sigaw ni Yassi.
"Si!"
Bumaba si Simon sa kanyang sasakyan.
Lumapit siya kay Yassi at sa anak. MJ extended his hands. Agad yung kinarga ni Simon.
"Sorry anak aalis na sana si Papa. May work na sa Manila bukas." bulong ni Simon sa anak.
Siniksik ni MJ ang ulo sa leeg ng ama. Tila ayaw nitong bumitaw kay Simon.
Simon took a deep breath.
Bumalik sila sa loob ng bahay.
"Naku Simon, mukhang ayaw nang mawalay sa iyo ang anak mo," sabi ni Lola Adela.
Nagkatinginan si Yassi at Simon.
Namumublema ngayon si Yassi.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Yassi nang makatulog na si MJ bandang alas nueve y medya.
Nahihirapan ding mag-isip ni Simon.
"Tulog na sya, pwede ka nang umalis. Baka pag nagising di ka na naman makaalis nyan," pagtataboy na ni Yassi kay Simon.
Mabigat ang loob na tiningnan ni Simon ang anak.
"Sige, aalis na ako." malungkot na sabi.
Maging si Yassi ay nalulungkot din para sa anak.
Wala silang magagawa, ganoon ang kanilang set-up.
Iniwasan nang halikan ni Simon ang natutulog na anak. Baka magising pa ito.
Sumakay na si Simon sa kanyang sasakyan at maya maya lang pinaandar na nya ito.
Bago mananghalian ay nagising na si MJ. Kagaya ng inaasahan nila Yassi, hinanap agad nito ang ama.
"Papa? Mama, Papa?" palinga linga nitong tanong kay Yassi.
Kumirot na naman ang puso ni Yassi. Bakit ba halos isang buwan pa lang na binibisita ni Simon ang anak nila ay masyado nang attached si MJ sa ama? Ganooon ba talaga kapag kadugo?
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?