Chapter 37

372 40 19
                                    

Nagsimula nang gumawa ng ads sina Ricky at nakatutok din doon si Yassi.

Mahusay ang pagkakagawa ng kanilang  mga ads nang matapos ang mga ito.  Super proud si Yassi sa naging outcome ng nasabing mga ads.
Mas naging masaya pa sila dahil na-appreciate din ng mga big boss ang kanilang paghihirap.

"Congratulations Ricky! You and your team did a good job!" masayang binati ni Yassi ang buong team ni Ricky.

"Excited na ako sa outcome. Sana tumaas na ang sales ng mga products natin."  sabi naman ni Aries.

"Tiwala lang. Promotions is coming. Ikaw naman ngayon." saad ni Ricky.

"No problem. May mga nakatoka na dyan." confident namang sagot ni Aries.

.....

"Are you tired?" tanong ni Simon kay Yassi nang araw na yun.

"Medyo. Salamat tapos na ang lahat. Launching na lang ng mga ads saka promotion ng products natin. Sana after a month makita na ang result."

"Don't worry. I am confident your team's effort will succeed." sagot ni Simon.

Pauwi na sila at dahil Sabado bukas naisipan ni Yassi na umuwi sila sa Batangas.

"Pwede bang dumalaw kina Nanay at Lola Si? Uuwi sana kami..." paalam niya kay Simon.

"Why not? Let's go with the kids. I know miss na rin nina Nanay at Lola ang mga bata." nakangiting sagot ni Simon.

Lumiwanag ang mukha ni Yassi.

Excited na syang makauwi at maikuwento sa Nanay at Lola nya ang magandang nangyayari sa kanila ni Simon. Kung maikukuwento nya.

That night hindi makatulog si Yassi.

Binabagabag pa rin sya ng alalahanin dahil di na nya makontak si Sandro.

Nahihiya naman syang magtanong kay Simon.

Napatingin sya sa tulog na tulog na mag-aama.

Hindi nya mapigilan na hindi mapangiti.

Larawan sila ng buong pamilya.

Kelan kaya sya yayayain na magpakasal ni Simon?

Hindi naman sya tatanggi kung sakali.

Nakakatawa lang ang advance na nyang mag-isip ngayon.

Humarap sya kay Simon. Muli nyang pinasadahan ng tingin ito.  Kahit gabi gabi silang matulog na magkakatabi ay naroon pa rin ang respeto nito sa kanya.

Sapat na kay Simon ang yakap at pahapyaw na halik.

"Nay! Lola!" masayang nagmano  si Yassi kay Nanay Yolly at Lola Adela nang dumating sila sa Batangas.

Expected na ng mga ito ang kanilang pag-uwi dahil naitawag na nila yun kagabi. Naiwan sa mansion si Yaya Marsha at sinabihan ni Yassi na magpahinga na lamang. 

Kasunod na nagmano sa dalawang matatanda sina Sianna at Simon. Nakigaya rin si MJ.

"Aba ang lusog niyo nang mag-ama ah. Tama yan Simon, kahit paano nagkalaman ka na." nakangiting banggit ni Lola Adela.

Ngumiti naman si Yassi sa narinig. Gusto nyang ipagsigawan na alaga nya ang mga ito sa umaga at sa tuwing rest day niya.

"Nay, bibihis lang kami ng pambahay. Dito kami matutulog." ani Yassi.

"Hala magbihis muna kayo sa taas. Naku ang apo ko ang pogi pogi!" natutuwang bati ni Lola Adela kay MJ na nakatitig lang at wari ay kinikilala sila.

"Naku nakalimutan na yata kami ni MJ." nakatawang sabi ni Nanay Yolly.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon