Chapter 7

322 24 16
                                    

"Mom! Dad!"

"Hmmm... So saan galing ang panganay namin kahapon?"

Umakbay si Sandro sa ina.

"Sa Batangas lang 'Ma."

"Hmmm, lilipat na kami ng Daddy nyo, sa Batangas na tayo titira. Si Si may resort, tapos ikaw may farm land na. So dapat pala kay Vinny namin ipangalan lahat ng properties namin sa Norte. Eh sya lang itong may tirahan dun."

"Mom, it's part of investing my money. Hindi sa lahat ng oras natutulog ang pera ko."

"Ewan ko sa inyong magkakapatid. Kelan ka ba mag-aasawa Sandro. Naunahan ka na ni Vinny. Si Si wala ding balak .."

Sandro rolled up his eyes.

"Mom, nasa mid-30's pa lang ako, wag nyo akong madaliin. Besides, mukha akong bata, hindi mapagkakamalang nasa edad 30 na. Don't worry about me, okay?"

"Haizzt! Tumatanda na kami ng Dad nyo. Sana before we closed our eyes makita pa namin ang apo namin sa inyo ni Si. Okay na si Vinny may Viena na. So Si and you na lang."

Napahinga ng malalim si Sandro. Itong mga magulang nya ibinubuyo na sya.

"Mom, Dad, let's eat first before nyo akong talakan."

"See? Talakan agad?"

Tumawa si Don Fernan sa bangayan nina Sandro at Donya Luisa.

"You really missed your son, hon." sabi nito kay Donya Luisa.

"Lahat naman sila na-miss ko."

"So what do we have for dinner Sandz?"

Nagmamalaking ngumiti si Sandro.

"I cooked menudo and afritada."

"Wow that's great! Marunong ka na palang magluto." bati ni Don Fernan nang nasa dining area na sila.

"Everything can be learned Dad."

Masayang naghapunan ang tatlo.

...

Saturday morning...

"Restday mo apo?" tanong ni Lola Adela.

"Opo 'La. Lalaba lang ako ng mga damit ni MJ tapos magbi-bake na po ako. May paorder ka po?"

"Oo meron. Anim kina Mrs. Anoñuevo. Tig-tatlo ng carrot cake at tatlong banana loaf. Tapos sa mga kapitbahay pa."

"Okay po 'La, uumpisahan ko na pong maglaba habang tulog pa si MJ."

"Sige at magdidilig ako ng halaman. Andyan naman si Yolly, nagbabantay kay MJ."

"Sige po 'La."

Umakyat sa kanyang silid si Yassi upang kunin ang kanyang mga damit at mga damit ng anak. Kabilin-bilinan nya sa kanyang ina na iwanan ang mga damit nilang mag-ina. Sya na lamang ang maglalaba tuwing restday.

Napalatak si Yassi. Ilang piraso lang ang iniwan ng ina sa kanya ni Nanay Yolly.

Ang Nanay Yolly talaga nya, pagdating sa paglalaba, masipag.

Palabas na sya nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa.

Unknown Caller...

"Yassi...!"

"Sir Sandz?"

"Yeah it's me."

"Sir napatawag ka?" Yassi asked.

"Oww sorry, did I disturb you."

"No, it's okay po Sir. Rest day ko naman."

"Ahh. I'm here in Batangas. Nandito kina Blaze."

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon