Chapter 58

341 35 19
                                    

Tiningnang muli ni Sandro ang sarili sa salamin ng kanyang closet.

He looks fine naman sa suot na polo shirt at casual shorts.

Bibisita sya sa kanyang kapatid. Namimiss na rin nya ang kanyang mga pamangkin.

Patungo na sya sa elevator nang datnan nya roon ang babaeng nabangga nya noong nakaraan. Seryoso ito habang naghihintay sa pagbaba ng lift.

Hindi nya napigilang tumikhim para ipaalam ang presensya nya.

Sa kasamaang palad, tinaasan lang sya nito ng isang kilay.

𝘚𝘶𝘱𝘭𝘢𝘥𝘢.

Bumukas ang lift at halos sabay pa silang pumasok kaya nadunggol nya ang balikat nito.

"Oucchh!" matalim ang tinging ipinukol ng babae kay Sandro.

"Sorry Miss..." hindi alam ni Sandro kung paano pahuhupain ang inis ng babae. Sa klase ng tingin nito ay kulang na lang kainin sya ng buhay.

"Hmmmppp! Sorry again. Haizzt!"

Hindi na nakakibo si Sandro sa sinabi ng babae. Buti na lamang hindi sya gaanong tinalakan nito.

Hindi sya tumingin sa babae. Ngunit sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita nya na abala ito sa pagdutdot ng hawak nitong cellphone. Nagti-text yata. As if may signal sa elevator eh wala naman.

Hanggang napagmasdan nya ang babae. She's pretty talaga like Yassi. Kasing-tangkad lang nya ito. May maliit na katawan at maamong mukha, sa isip nya, opposite sa ugali nito. She has angelic face but....

"What are you staring at? Nagagandahan ka ba sa akin?" tuya nito sa kanya.

Natigilan si Sandro. Napatitig na pala sya dito.

"Of course not. Who said na nakatingin ako sa iyo?" he denied.

Ngumiti ng nakakaloko ang babae. Doon nakita ni Sandro na may dalawang maliit itong dimple sa gawing ibaba ng magkabilang labi. Tulad ng kay Mikee Cojuangco.

He smirked though.

"Imagination mo lang 'yun." sabi nya sa babae at inunahan na nya kaagad sa paglabas sa lift dahil nasa ground floor na sila.

Nanlaki naman ang mga mata nito.

Gusto nitong habulin si Sandro ngunit mabilis itong nawala sa paningin nya.

Ngingiti-ngiti si Sandro habang nagmamaneho sa kanyang sasakyan.

That girl really caught his attention.

𝘐𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘺𝘢? 𝘚𝘩𝘦 𝘴𝘦𝘦𝘮𝘴 𝘪𝘮𝘮𝘢𝘵𝘶𝘳𝘦𝘥.

Napailing sa sarili si Sandro sa isiping pinagkakaabalahan ng isip nya ang ganoong klase ng babae.

But he can't deny the fact... Ang ganda at ang kinis nito. Nakasuot lang ito ng shorts kanina.

...
"Tito Sandro! Yehey!" masayang salubong ni Sianna sa kanyang tito pagkakita dito.

"Dada! Dada!" tawag naman ni MJ.

Yumukod si Sandro para halikan ang mga pamangkin.

"Here's your pasalubong." sabay abot sa dalawa ng tig-isang supot ng paborito nilang pagkain sa isang fastfood chain. Nagpasalamat ang dalawang bata at excited na pumunta sa kusina.  Pagkatapos ay iniabot din ni Sandro kay Yaya Marsha ang para sa mga kasambahay ng kapatid.

"Ikaw na muna ang bahala sa mga bata Yaya. Kumain na kayo." sabi ni Yassi.

"Sige po Ma'am. Sir Sandro thank you po dito."

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon