Chapter 30

417 33 16
                                    

"Saan ako bababa?" nahihiyang tanong ni Yassi kay Simon. Pinasakay kasi sya nito sa sariling sasakyan at hindi pinahatid kay Mang Nestor kahit nakabalik naman ito kaagad sa mansion matapos maihatid sina Yaya Marsha at Sianna sa school.

"Entrance. You'll go with me. Sa office muna tayo." kaswal na sagot ni Simon.

"Ha?" reaksyon ni Yassi sa sinabi ng katabi. Malapit na kasi sila sa building.

Nang makababa sa sasakyan ay iniabot na ni Simon ang susi ng sasakyan sa isang guard. Alam na nito ang gagawin. Sila na ang magdadala noon sa parking sa basement ng building.

"Good morning Sir, Ma'am!" bati ng receptionist.

May mga empleyado na si Simon lang ang binabati at may bumabati din dito at nadadamay naman sya.

Sa express elevator sila sumakay ni Simon. Nagtataka naman sya bakit sya pinapadaan sa opisina nito.

Sila lang dalawa ni Simon ang sakay ng lift. Manaka-nakang napapasulyap sya sa katabi.

Nanumbalik sa alaala ni Yassi ang mga nakaraan.

Hindi pa sya sanay sa elevator. Nahihilo sya noon at nasusuka.

Naalaala din nya na bangong bango sya sa pabango ni Simon. Dahil kulob ang elevator langhap na langhap nya ang amoy nito na napagkit na ata sa ilong nya.

Hanggang ngayon, yun pa rin ang pabango ni Simon!

𝘛𝘪𝘯𝘨!

Mabilis na humakbang si Simon palabas ng elevator nang bumukas yun. Sinundan naman agad ni Yassi ito.

Nasa kanyang mesa na si Jakie at namimilog ang mga matang tila nagtatanong kung bakit nakasunod sya kay Simon.

Hindi naman sya dapat doon. May sarili syang opisina.

"So what is it?" pormal nyang tanong kay Simon habang iginagala ang paningin sa office nito. Wala pa ring ipinagbago maliban sa isang malaking charcoal painting na nasa dingding.

Si MJ yun, natitiyak niya. Pinagawan ni Simon ng charcoal painting ang anak at dinisplay yun sa opisina.

Nabaghan ang kalooban ni Yassi. Parang may mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso.

Sa hindi nakakakilala sa anak nya, dahil lihim pa yun sa pakiusap na rin nya, mapagkakamalang si Simon ang nasa larawan. Magkamukha kasi silang mag-ama. Ngunit si MJ yun, dahil sa kasuotan kaya niya alam.

"He really looks like me." nasa tabi na pala nya si Simon at nakatingin din sa portrait ng anak.

Tumango si Yassi nang marahan.

"It's unfair nga. Nine months ko syang dinala sa womb ko, paglabas, ikaw ang kamukha." parang wala sa sarili na sabi nya.

"My genes are stronger than yours." biro ni Simon.

Bumalik sa huwisyo ang pag-iisip ni Yassi. Bakit ba sila nag-uusap ni Simon nang ganito. Naku-conscious sya.

"So tell me, bakit mo ako pinapunta sa office mo?" seryoso na nyang sabi.

"Nothing. It's too early pa kaya inaya kita dito." kaswal namang sagot ni Simon.

Hindi napigilan ni Yassi ang irolyo ang mga mata.

Ayaw lang pala nitong mapaaga sya sa kanyang office.

Naghahanap ba ito ng kausap?

Iniwan nya saglit si Simon at tumungo sa pantry nito. Di pa kasi sya nakapagkape sa bahay.

Nagulat sya dahil walang stocks ang mga cabinets nito.

Sumunod naman sa kanya si Simon.

"Ummm, wala kang stocks ng kahit ano dito. Mukhang tubig lang ang laman ng ref mo." puna ni Yassi habang iniisa isa ang mga gamit sa pantry.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon