Chapter 32

404 38 34
                                    

"Yaya Marsha yung mga maruruming damit ni MJ?" tanong ni Yassi sa yaya ni Sianna.

"Naku Ma'am Yassi, nilabhan na po ni Sonia noong nakaraan pa. Kasi bilin po ni Sir, ayaw nyang mapapagod din kayo kahit restday nyo." sagot ni Yaya Marsha.

Napailing si Yassi.
Masaya sana sya kung di nya alam ang dahilan.
Naalaala niya ang sinabi ni Simon kay Isabella.

He's being good to her simply because she is the mother of his son.

Hindi naman masakit. Parang kinagat lang ng langgam ang puso nya.

Ayaw pala nitong mapapagod sya kahit restday nya. Sige mas okay yun. Basta hindi na nya bibigyan ng kahulugan lahat ng pinapakita ni Simon.

Eh bakit minsan cold ito?

Hindi na rin nya iintindihin ang bagay na yun.

Nasa mansion sya nito dahil kay MJ, period.

Nadatnan nya sa salas si Simon na tila may gustong sabihin sa kanya.

"Yassi..." tawag nito sa kanya.

Huminto sya sa paglalakad, paakyat na sana siya dahil tapos na syang maglaba ng mga damit nya.

"Yes?"

Huminga muna ng malalim si Simon bago nagsalita.

"Mom and Pops will be coming here tomorrow."

Alam ni Yassi na wala pang alam ang mga magulang ni Simon tungkol sa anak nila.

"No problem. Then tell them the truth." balewala nyang sagot.

Bakit pa ba nila itatago si MJ? Kapamilya nila ang anak nya.

Nakita nya ang pagliwanag ng mukha ni Simon dahil sa sinabi nya. Masaya ba ito?

"Thank you. I feel relieved. I thought you want to hide him from my parents." sabi ni Simon.

"We can't hide him from your family. It's better if they know the truth. I realized there's no reason para itago pa natin si MJ sa family mo."

"Thank you again Yassi."

Tipid na ngumiti si Yassi.

"But I do hope we will hide him from the public." hiling ni Yassi.

Simon nodded.

Naging abala sina Manang Belen, Sonia at Merly ng Sabadong yun.

Pag bumibisita ang dalawang matandang Marcos ay gusto nilang walang maipintas sa mansion ng boss nila. Gusto nilang malinis at maayos ang lahat.

"Sasama ako kina Manang Belen, maggo-grocery at bibili ng mga lulutuin bukas." paalam ni Yassi kay Simon bago sumapit ang hapon.

Simon looked at her.

"We'll going. I know you have lists on what are needed. Let's do the shopping."

Di na umimik si Yassi.

So it was them na natuloy sa pag-grocery.

Nagpaiwan na sina Manang Belen at sila na lamang daw ang mamili ni Simon.

May choice pa ba sya?

Sa loob ng supermarket ay abala si Yassi sa pag-i-scan ng mga bibilhin.

Hindi nya napigilang mapangiti. Marunong na kasing mag-grocery si Simon.

Hindi lang sya kuha ng kuha ng mga items, tinitingnan na rin nito ang expiration date ng mga produkto.

At higit sa lahat marunong na ring magtulak ng shopping cart.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon