Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 1
Unedited...
"Ang ganda talaga ng iPhone na iniregalo ni John Mark sa akin. Gosh, mahal talaga niya ako," kinikilig na sabi ni Sheena kaya napataas ang kilay ko. Akala naman, maiinggit ako. Duh? Mahirap lang ako pero hindi ako inggitera. Ganiyan naman 'yan parati sa tuwing lalapit ako. Palaging ibinibida ang mamahaling gadgets and jewelries. Bobo naman.
Lalagpas na sana ako sa kanila pero humarang ito sa harapan ko."Hoy, Epokritang walang kuwenta! Kailan ka pa lalayas sa bahay ng boyfriend ko?" mataray na tanong ni Sheena na nakapamewang pa.
"Kapag pinalayas na niya ako," mataray rin na sagot ko.
"Kapal ng mukha mo!"
"Mas makapal ang pagmumukha mo! Mukha kang pera na barya!" matapang na sagot ko."Aba't--" Sheena.
"Tama na nga ninyo. Araw-araw na lang, bunganga ninyo ang bumubungad sa umaga ko!" saway ng lalaki sa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon kung sino siya."Pakisaway ng girlfriend mo!" naiinis na sabi ko saka nilagpasan ang mga bruha.
Galit ito nang malaman niyang nasa bahay nina Preenz ako nagtatrabaho. Nadatnan kasi nito na nasa kuwarto ako ng mokong naglilinis kaya nagsimula na ang pagkulo ng dugo niya sa akin. Mayaman naman sina Sheena Gargoles at maganda rin naman ito pero ayaw ko lang ng ugali nitong dinaig pa ang tsismosa sa squatter."Babe? Alam mo bang madalas akong pagtarayan ng katulong ninyo?" maarteng sumbong ni Sheena.
" Alam mo bang madalas akong pagtarayan ng katulong ninyo?" maarteng ulit ko rin and I rolled my eyes.
"Hayaan mo na nga siya. Alam mo namang hindi kayo magkasundo tapos kinakausap mo pa," sagot ni Preenz kaya napangiti ako.
"Dude? Kailan na ang race natin? Sure na ba talaga na mamaya iyon?" tanong ni Daren na kaibigan ni Preenz."Oo. Kailangan natin silang matalo dahil nakailan na sila sa atin!" Halatang inis na inis si Preenz kaya napangiti ako. Buti nga sa kaniya. Palibhasa talunan sa lahat ng bagay. Palagi siyang natatalo sa motor at car race kaya sa tuwing uuwi ito, nagkukulong na ako sa kuwarto. Madalas ding talo sa basketball at hindi nakakaabot sa championship ang SJU. Private school nga pero walang maipagmamalaki pagdating sa sports. Kumbaga, walang ibubuga.
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa classroom.
"Ba't ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Krista."Hindi ko rin alam kung ba't dyosa ako," sagot ko at inirapan siya na ngingiti-ngiti lang. Siya talaga ang kaibigan kong kahit na sinisigawan at pinapagalitan na, nakangiti pa.
Second semester na ngayon at sa loob ng kaunting buwang pagsasama namin, napalapit na ang loob ko kay Krista. Mabait naman kasi ito at simple lang kagaya ko. Working student din at scholar dahil likas na matalino. Matalino naman ako pero aminado akong tamad lang. Nagigising lang ang braincells ko kapag oras na ng exam.
"Epok? May assignment ka na ba sa Algebra?" tanong ni Krista Sebastian.
"Wala pa. Pakopya na lang," sagot ko.
Bachelor of Science in Nursing ang kurso namin. Kung tutuusin, bawal ang working student sa nursing dahil magiging hectic na raw ang schedule namin pero sa bahay naman ako ng mga Alcarde nagtatrabaho kaya okay lang. Si Krista? Next school year, hindi na siya magtatrabaho dahil nakapasa naman siya sa full scholarship ng St.Joseph. Gusto ko ng nursing? Yes and no. Yes- kasi gusto kong tumulong sa paggamot ng mga tao at no- dahil pinaganda lang ang pangalan pero ang totoo, tigahugas lang talaga ng sugat at puwet ng pasyente ang magiging trabaho ko balang araw lalo na kapag nasa ibang bansa.
"Totoo bang maiiwan tayo sa isang silid tapos kasama natin ang cadaver na nakahiga sa mesa pagdating natin sa third year?" curious na tanong ni Krista kaya napangiti ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...