22

1.6K 63 0
                                    


Playing Love With A School Heartthrob

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22

Unedited...

Nagising ako na puti ang lahat sa loob ng silid maliban sa dalawang basurahang kulay itim at dilaw.

"Babe? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sheena at hinawakan ako sa kanang kamay.
"S-Sheena? Ano ang ginagawa ko rito?" tanong ko.

"Itanong mo sa gagang katulong ninyo!" galit na sabi ni Sheena.

"Makagaga ka, akala mo dyosa ka? Ganda ka, teh? Ganda ka?" palabang sabi ni Epok na nasa kabilang side ko.

"Bakit? Kung hindi dahil sa 'yo, hindi himatayin ang boyfriend ko!" giit ni Sheena. Napatingin ako sa nurse na kakapasok lang.

"Boyfriend? Kapal mo! Break na kaya kayo!" sabi ni Epok.

"As if na ikaw ang girlfriend!" maarteng sabi ni Sheena kaya napahilamos ako sa mukha. Napasulyap ako sa nurse na ngingiti-ngiti habang nag-aayos ng gamit. Wala namang nakakabit sa katawan ko.

"Sabihin mo nga sa Sheena na 'to na ako na ang girlfriend mo, baby," sabi ni Epok.

"Tumahimik kayong dalawa at pakiusap, pakibalik ng lintik na mga hayop mo sa kagubatan!" galit na sabi ko kay Epok na hanggang ngayon, ang lamig pa rin ng buo kong katawan dahil sa takot.

"Ano ba ang mali sa pasalubong ko?"
Umuusok ang ilong na tanong ni Epok.

"Hindi mo alam? Papatayin ako ng mga lintik na pasalubong mo mula sa probinsya ninyo!" galit na sabi ko. Sino ang girlfriend na magreregalo ng mga exotic animals sa kasintahan? Siya lang talaga.

"Dapat i-appreciate mo dahil pinaghirapan iyon ng pamilya ko! Pasalamat ka nga, libre lang sa 'yo ang mga binibigay ko! Ano ba ang mali kung nagpapasalamat sila sa 'yo?" Depensa nito. Napansin kong nanginginig ang kanang kamao nito.

"E di salamat sa pasalubong! Pero sana last na 'yon dahil nakakatakot kayong magpasalamat!" sabi ko at bumangon. Agad namang sumaklolo sa akin si Sheena. "Kaya kong tumayo. Okay na ako," sabi ko kay Sheena.

"Last na talaga 'yon!" singhal niya saka padabog na lumabas kasunod ng nurse.
"Preenz? Okay ka lang? May kailangan ka? Mabuti nalang dahil dumating ako," nag-aalalang sabi ni Sheena.

"I'm fine. Gusto ko nang umuwi," sabi ko saka tumayo. "Sina Mommy?"

"Nagbabayad lang ng hospital bill. Ang sabi ng doctor, masyado ka lang daw napagod kaya kailangan mo ng pahinga," sabi ni Sheena kaya nginitian ko siya.

Matapos magbayad, umuwi na kami. Kinausap na rin nina Mommy si Epok na huwag nang magdala ng mga hayop sa bahay dahil nagsumbong si Sheena ng tunay na nangyari. Paakyat pala siya sa hagdan kaya nakita niya kung paano ako hinimatay.

Nakahinga ako nang maluwag nang wala na ang mga palaka sa aquarium.

"Kain na raw," sabi ni Manang kaya bumaba na ako para makisalo sa kanila sa hapunan.

"Kain na," sabi ni Mommy kaya hinila ko ang upuan sa tapat nila at naupo. Nasa tabi ko si Epok na tahimik na kumakain.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
"Okay na po ako, Mom," sagot ko at napatingin kay Mommy.

Nilagyan ko ng kanin ang plato ko dahil nakaramdam na ako ng gutom.

Tumayo si Epok. "Tapos na po akong kumain, maraming salamat sa masarap na pagkain," masiglang pasalamat nito.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon