Playing Love With A School Heartthrobby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 11
[Preenz Pov]
Galit talaga si Epok sa akin. Mula pa kagabi, hindi niya ako pinapansin. Nang magkasalubong kami kanina sa hallway, ne hindi man lang siya sumulyap sa akin.
"Hindi ako pinansin ni Epok," sabi ni Brent dahil binati niya ito kanina.
"Baka hindi ka niya narinig," sabi ni Rylan.
"Tatlong beses kong inulit pero para lang akong tanga," wika ni Brent at napatingin sa akin. "Nag-away ba kayo ng jowa mo?"
"Hindi ko siya jowa!" Agad na tanggi ko.
"Ba't ka naninigaw? Parang nagtatanong lang eh," tanong ni Brent.
"Huwag nga ninyo akong kausapin!" Naiinis na sabi ko saka iniwan sila. Makalabas nga sa tambayan. Baka mamaya, susugod na naman si Sheena at kulitin ako. Nakailang tawag na siya sa bahay pero hindi ko kinakausap.
Naglakad ako patungo sa tree park pero sa pagkamalas, makakasalubong ko na naman si Epok.
Nagtama ang paningin namin kaya napatigil ako sa paglalakad.
Shit na malagkit! Ang sama ng tingin niya sa akin. Para akong kinukulam ng babaeng 'to kaya napayuko ako. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya. Galit na para bang ako ang pinakamasamang nilalang sa mundo.
Nang magkasalubong na kami, salubong pa rin ang mga kilay niya at inirapan ako.
Sanay naman akong nag-aaway kami pero parang may kaunting guilty sa katawan ko. Ang sabi niya, espesyal ang palakang iyon mula sa probinsya nila. Totoo kaya iyon?
Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganoong palaka.Napatigil ako sa paglalakad saka bumalik kina Epok.
"Epok!" tawag ko.
"Friend? Tawag ka ni Preenz," sabi ni Krista.
"Wala akong narinig kaya bilisan mo na ang paglalakad," sagot nito kaya patakbong hinabol ko sila.
"Epok, sandali!" tawag ko at humahangos na humarang sa daan nila.
"Bakit?"naka-poker face na tanong nito.
"Puwede ba tayong mag-usap?"
Napatingin ito sa kaibigan niya.
"Kahit sandali lang?"
"Para ano?" Pagsisinuplada niya.
"Haist! Basta."
"Mauna na ako, friend. May fifteen minutes pa naman tayong break," paalam ni Krista at iniwan na kami.
"Sa rooftop tayo," yaya ko saka hinawakan ang kanang kamay niya. "Mabilis lang 'to," sabi ko nang nagpapabigat pa.
Napilitan lang siguro kaya nagpahila na sa akin.
"Si Sheena, sinusunog tayo sa paningin niya," sabi ni Epok kaya iginala ko ang mga mata ko. Nasa 'di kalayuan sina Sheena at matalim ang titig sa amin.
"Hayaan mo na siya," sabi ko saka dinala siya sa rooftop.
Nang maisara ko ang pinto, naupo ito sa mahabang bench at tumingala sa akin na hinihintay ang sasabihin ko.
"Galit ka ba dahil sa palaka?"
"Oo," pag-amin nito.
"Epok naman--"
"Alam mo bang mahirap hanapin ang palakang iyon at pinilit ko pa ang kapatid ko na ipadala iyon sa akin para lang maibigay sa 'yo? Pero ano ang ginawa mo?" litanya nito at sinipa ang kanang paa ko kaya napaatras ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...