Playing Love With A School Heartthrobby:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 25
Unedited...
[Preenz POV]
"Baby? Sorry na," hinging paumanhin ko pero nakalabing nakatanaw siya sa malayo. "Epok naman, kausapin mo na ako. Paano ako makipaglandian sa babaeng 'yon kung ikaw ang kaharap ko?"
"Talent ng mga lalaki 'yon! Talent ninyong mga manloloko!" sagot ni Epok at tinarayan na naman ako kaya napahilamos ako sa mukha.
At least nagsasalita na siya, unlike kanina na wala talaga.
"Ngumiti lang naman siya tapos nginitian ko.
Ano ang masama roon?" bulalas ko.Nanggigigil na talaga ako sa kaniya.
Hindi siya sumagot. Kinuha nito ang cellphone saka nagkunwaring may binabasa. Nasa kuwarto niya ako para suyuin siya dahil malapit nang magtatakip-silim. Kailangan ko pa siya para makapunta kina Brent."Baby naman, huwag ka nang magalit. Gusto mo, ibigay ko na lang sa 'yo ang cellphone ko?" Pakipag-bargain ko. Madali lang naman bumili ng cellphone e.
"Pati simcard?" tanong nito.
"Cellphone lang. Siyempre akin ang simcard ko," sagot ko.
"Huwag na! Doon mo ibigay 'yang cellphone mo sa cashier ng ice cream house!" Salubong ang kilay na sagot niya kaya napahimalos na naman ako sa mukha. Ang OA na niya!
"M-May usapan tayo na samahan mo ako kina Brent," paalala ko at napasulyap sa alarm clock niya. Quarter to 6 na pala.
"Pumunta kang mag-isa mo!"
"Epok naman," sabi ko.
"Magpapaalam ako kay Tita na samahan kita kina Brent dahil magpapaturo ako," anito.
"Really?" masayang tanong ko pero agad na itinago ang saya nang blangko ang mukhang hinarap niya ako. "S-Salamat, Baby E."
"Hindi ako sasama sa 'yo. Iba ang pupuntahan ko," sagot nito.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Wala ka na roon," sagot nito saka inirapan ako. "Lumabas ka na bago pa magbago ang isip ko."
"May karapatan ako kasi boyfriend mo ako," sagot ko.
"Wala ka nang karapatan mula nang nakipaglandian ka sa iba!" singhal niya.
"Ba't--" Hindi ko na natuloy nang sasabihin ko dahil baka ma-highblood lang ako sa babaeng ito. Tumayo ako saka lumabas.
Kung si Epok lang ang kasama ko buong araw, bago mabawasan ng ilang taon ang buhay ko.
Mas mabuti pang mag-alaga ako ng tatlong bata kaysa siya ang kasa-kasama ko. Paano kaya siya dinidisiplina ng pamilya niya?
Na-curious tuloy ako sa parents niya kaya bumalik ako sa kuwarto niya."Pupunta ako, Kale." Narinig kong sabi niya kaya hindi ko na ipinagpatuloy ang pagpasok.
"Baby K naman, sabing kailangan ko ng pera eh," naiiyak na sabi ni Epok. Humihingi siya ng pera kay Kale?
"Hindi na tayo bati!" singhal nito. Tahimik na ang buong silid kaya dahan-dahan akong umalis sa silid niya at dumiretso sa kuwarto at nahiga sa kama.
"Baby K," ulit ko saka nasuntok ang unang nasa tabi ko. "Ako si Baby P at siya si Baby E.
Putiks! Love triangle ba 'to?" galit na tanong ko. Hindi malayong sila na nga ni Kale at niloloko lang ako ni Epok.
"The fuck! Paano niya nagawa sa akin 'yon?" galit na tanong ko sa hangin. Oo nga't laro lang ito pero paano niya nagawang magkaroon ng bagong kasintahan gayong kami pa?
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...