13

1.6K 66 1
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

Unedited...

[EPOK POV]

"Ang ganda mo talaga, Epok!" puri ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Alas diyes na ng gabi pero gising pa rin ako dahil may hinihintay kaming bisita.

Ipinusod ko ang mahabang buhok at nginitian ang sarili. "Bang! Bang! You nailed it!" sabi ko sa reflection.

Natawa ako sa ginagawa ko. Kapag makita ako ni Preenz, matatakot na naman siya. Duwag ang mokong.

"Ano kaya ang gagawin at hingiin ko sa kaniya?" tanong ko at napaisip na naman. Sinasadya ko talagang mag-demand ng mga bagay-bagay. Boring ang buhay ko kaya sorry na lang siya.

Narinig ko ang pagbusina ng sasakyan sa baba kaya tumakbo ako sa bintana.

"Kyah! Nandito na sina Tita Janine at Tito James," masayang sabi ko at tumakbo sa dresser saka pinagmasdan ang sarili ko.

"Haist! Pangit ko naman," nakalabing sabi ko at tinanggal ang headband sa ulo at tali ng buhok saka hinayaang nakalugay.

Nagmamadaling sinuklay ko at inayos ang sarili bago lumabas ng kuwarto.

Patakbong bumaba ako sa hagdan. "Tita Janine!"

"Dahan-dahan," nakangiting saway ni Tito James.

"Sorry po," paumanhin ko saka hinalikan ang mag-asawa sa magkabilang pisngi.

Napasulyap ako kay Preenz na pababa sa hagdan habang nakapamulsa.

"Preenz, anak!" masiglang sabi ni Tita Janine at nilapitan si Preenz saka mahigpit na niyakap. "I miss you."

"Miss you too, Mom," alanganing sagot ni Preenz kaya gusto kong matawa.

Nauunawaan ko naman siya. Kapag nandito ang mga magulang, bantay sarado ang mokong.

"May pasalubong ako sa inyo ni Epok," sabi ni Tita Janine. "At sa lahat ng kasambahay."

Iyon ang maganda kay Tita dahil pamilya ang turing nito sa mga katulong. Sa pagkakaalam ko, dating mahirap si Tita Janine hanggang sa naikasal na kay Tito James. Hmm? Kaya siguro ang bait at mapagbigay n
ito kasi naranasan niyang maging mahirap.

"Sige na. May mga pangalan naman kaya ikaw na ang mag disseminate, Preenz. Pagod pa kami sa biyahe," bilin ni Tito at inaya na si Tita paakyat sa kuwarto nila.

"Hindi ba kayo kakain?" Pahabol ni Preenz.

"Busog pa kami. Bukas na lang ng umaga. See you, son," sagot ni Tito James na ang pogi pa rin tingnan. Siguro kasing edad lang niya ang guwapo kong ama.

"Asan ang regalo ko?" excited na tanong ko kay Preenz at napatingin sa malalaki at branded na paperbags.

"Ito," tinatamad na sagot niya saka inabot sa akin ang kulay pink na paperbag.

"Salamat," pasalamat ko at matamis na nginitian siya saka tumabi sa kaniya. "Baby? Ano ang pasalubong nila sa 'yo."

"Ewan," tinatamad na sagot nito at mukhang inaantok na.

"Tingnan natin, baby," pangungulit ko.
"Bukas na," walang gana talaga niyang sabi kaya napasimangot ako.

"Tingnan natin. Sige na, baby." Hindi talaga ako titigil hanggat hindi siya maasar.

Pinakaayaw ko pa naman ay ang iparamdam sa akin na parang wala lang ako. Alam ko naman ang trip nito pero mas gusto kong magising siya.

"Ayaw mong tingnan?"

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon