Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 18
Unedited...
"Oh? Nasaan si Epok?" tanong ni Mommy nang pumasok ako.
"May dinaanan," sagot ko. Ne hindi ko na kinuha ang mga pinamili namin. Bahala siyang kumuha kung gusto niya.
"Tapatin mo nga ako, nagkakasundo na nga ba talaga kayo?" tanong ni Mommy.
"Oo naman. Magtitiis ba ako na kasama siya kung hindi?" sagot ko.
"Naranasan ko na 'yan noon, Preenz," sabi ni Mommy.
"Ano ba ang gusto mong sabihin, Mom?" tanong ko.
"May relasyon ba kayo ni Epok? Are you cheating on Sheena?"
Natigilan ako sa tanong ni Mommy.
"What made you think that, Mom? Of course not!" tanggi ko."Sabi mo e. Eh, si Sheena? Do you really love her?"
"Mom? Ano bang klaseng tanong 'yan?" bulalas ko. "Of course mahal ko si Sheena."
"Si Kylie? Mahal mo pa ba siya?""I will always love her, Mom," malungkot na sagot ko. Alam ni Mommy kung gaano ko kamahal si Kylie noon.
"Then, stop using Sheena para lang makalimutan si Kylie," ani Mommy.
"Iba si Sheena, iba si Kylie at iba si Epok!" sabi ko.
"Bakit napasama si Epok?" curious na tanong ni Mommy.
"Haist! Ang dami mo pong tanong!" sagot ko saka pumanhik na sa itaas. Alam kong nalayo na ang loob ko sa kanila ni Daddy buhat nang pagbawalan nila akong mag-racing.
Naligo muna ako saka nahiga sa kama pero nang hindi ako makapagpahinga, tumayo ako at lumapit sa drawer saka kinuha ang album namin ni Kylie at binuklat.
"Sana masaya ka na ngayon. Pangako, bibigyan ko ng linaw ang pagkamatay mo," malungkot na sabi ko habang hinahaplos ang mukha niya sa litrato. Siya ang first love ko.
Siya rin ang dahilan kung bakit ako nasa racing. She was a racer. She died in a racing battle. Ang sabi sa autopsy, brain hemorrhage ang sanhi ng pagkamatay nito. Na-overused din daw ito sa drugs na ipinagtataka namin nina Brent. Sister siya ni Brent kaya pinasok nito ang mundo ng karera kahit na pareho kaming hindi mahilig."Shutup!" singhal ko sa palakang ang ingay. Naalala ko na naman si Epok. Bahala itong umuwing mag-isa.
Ilang sandali pa'y kumatok ang katulong at kakain na raw kami ng hapunan kaya bumaba na ako.
"Wala pa rin ba si Epok?" tanong ni Mommy.
Wala pa si Daddy dahil busy raw sa opisina kaya nauna na kaming kumain."Wala pa ho," sagot ko.
"Bakit mo kasi iniwan? Paano kung maligaw 'yon dito sa Maynila? Kapag may mangyaring masama, ikaw talaga ang malalagot sa akin!" pagbabanta ni Mommy.
"Psh!" aniko. As if naman na mawala ang Epokritang iyon. Sa pagkawais nu'n, malamang kahit sa pluto mo pa dadalhin, makakauwi at makakauwi iyon dito sa amin.
Nang matapos na kaming kumain, bumalik ako sa kuwarto ko.
Alas diyes na pero wala pa rin si Epok kaya napatayo na ako at kinuha ang cellphone ko.
Nagri-ring lang pero walang sumasagot."Damn!" wika ko at muling tinawagan.
Nakasampung missed calls na ako pero wala talagang sumasagot kaya sumiklab na ang kaba sa katawan ko. Paano kung napagtripan ito ng mga adik? Sa ugali nito, malamang na makahanap talaga siya ng kalaban.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...