57

2.2K 76 1
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 57

Unedited...

[Epok POV]

"S-Si Preenz?" tanong ko kay Kuya Dale. Nasa labas sila ng operating room sa laboratoryo at hindi pa siya nakabihis. Duguan pa ang damit nito at sigurado akong dugo iyon ni Preenz.

"Sa loob," sagot ni Kuya.

"P-Papasok ako," sabi ko at hindi na napigilan ang mga luha.

"Hindi pa puwede, Empress," sagot ni Kuya na hinarangan ang pinto.

"P-Pero kuya, kailangan niya ako," pakiusap ko pero hindi pa rin siya umaalis.

"Alam mong nasa critical siya at bawal--"

"Hindi bawal! Kailangan ako ni Preenz! K-Kuya, papasukin mo na ako, please," pakiusap ko.

"He's fine," tipid na sagot nito.

"N-No! Hindi siya okay kasi may lason ang balang tumama sa kaniya!" giit o at pinahidan ang mga luha. Hindi na sana pumunta si Preenz dito. Nang dahil sa akin, napahamak lang siya.

"Hintayin nating matapos ang operasyon. We called his parents naman at parating na sila," sabi niya kaya humagulgol ako sa pag-iyak.

"S-Sana ako na lang ang tinamaan. S-Sana a-ako na lang ang nasa loob dahil kasalanan ko naman ang lahat," mahinang sabi ko at pinahidan ang mga luha.

"Too late," ani Kuya. "Mukhang hindi na siya mabubuhay pa."

Napatingala ako sa kaniya na malungkot ang mga matang nakatingin sa akin.

"Baka hindi talaga kayo para sa isa't isa. Huwag kang mag-alala, Empress, kami ang bahala sa sniper na iyon. Sisiguraduhin naming malalagot siya sa amin nina Daddy!"
determinadong sabi ni Kuya kaya mas lalo akong humagulgol sa pag-iyak.

"K-Kuya. H-Hindi ko kayang mawala siya.

K-Kahit na uto-uto lang siya, hindi ko kayang mawala siya. K-Kuya naman, tulungan mo si Daddy sa loob," pakiusap ko at pinahidan na naman ang mga mata.

"Relax, ginagawa na nila ang lahat," pagpakalma ni Kuya.

"N-Nurse po ako, tutulong ako kay Daddy," sabi ko.

"Estudyante ka pa lang, Epok. Wala ka pang alam sa OR kaya maghintay na lang tayo rito.

Baka mas mapahamak si Preenz kapag sumali ka sa kanila," sabi ni Kuya.

"S-Sa gilid lang po ako, papanoorin ko sila," sabi ko.

"Kaya mo ba?" tanong ni Kuya kaya tumango ako saka mas lalong dumaloy ang mga luha ko.

Hindi ko kaya. Baka himatayin ako kapag makita ko si Preenz na nag-aagaw buhay.

"Hindi ko nahuli," sabi ni Kale na papalapit sa amin habang inaayos ang baril sa bewang.

"Bakit? N-Nandiyan lang 'yan," natarantang sabi ko. Hindi puwedeng makatakas ang hayop na 'yon. Kailangan niyang managot sa amin lalo na sa akin.

"Tinutugis na siya ng mga tauhan natin. Hinahalughog na nila ang buong kagubatan," sabi ni Kale.

"K-Kanina pa siya e. Di ba may nakita kang anino patungo sa gubat?" tanong ko kay Kale nang maalalang may nakita ito sa veranda.

"Kami na ang bahala, Empress. Si Preenz, alagaan mo na lang kapag makaligtas siya," sabi ni Kuya Dale.

"K-Kuya? Ayaw kong may mangyaring m-masama kay Preenz. Kahit gano'n lang 'yon, mahal ko 'yon," luhaang sabi ko na nanginginig ang mga kamay. Takot ako na baka hindi ko na makita si Preenz. Na baka hindi ko na siya mayakap.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon