Playing Love With A School Heartthrob
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 49
[Preenz POV]
"Si Epok?" tanong ko kay Kale nang pagbuksan niya ako.
"Tumakbo ka?" tanong ni Kale. Hinihingal kasi ako.
"Pakialam mo? Nasaan na si Epok?" tanong ko.
Ngumisi siya.
"Ba't ka tumakbo? Wala rin namang silbi 'yan," wika nito.
"Pinagsasabi mo? Nasaan na siya?" ulit na tanong ko.
Ilang segundong nakatitig siya sa mukha ko kaya nairita na ako.
"Palabasin mo si Epok!" Utos ko at tinulak siya saka pumasok.
"Epok?" tawag ko. "Baby E? Uwi na tayo!"
Lumapit ako sa pinto saka binuksan pero walang tao. Pati banyo ay hinalughog ko na.
"Baby E!" tawag ko saka lumabas at lumipat sa isa pang kuwarto pero wala siya kaya lumabas na ako.
"Saan mo siya tinago, Kale?" tanong ko.
Nakasandal siya sa pader habang naka-crossed arms na nakatingin sa akin. Nakatatawa siya pero pinipigilan lang niya.
"Alam kong may pangalan kayo sa bansang 'to pero oras na mapahamak si Epok, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang lahat hanggang sa impyerno!"
"Siya ang kusang umalis dahil ayaw mo na sa kaniya," tugon nito.
"Wala akong sinabing ganun! Huwag mo ngang lasunin ang utak niya!" singhal ko saka sinipa ang sofa pero napatingin siya sa sofang bahagyang gumalaw dahil sa sipa ko.
"Walang makakapigil at makakadikta sa kaniya at alam mo 'yon, Preenz. She's a wise woman at kapag umalis siya, ibig sabihin, iniwan ka na niya," nakangising sagot nito kaya uminit lalo ang ulo ko.
"That's not true! Mahal ako ni Epok!"
"Well? Ikaw ba, mahal mo siya?"
"Wala kang pakialam sa kung anong meron kami at hindi ko responsibilidad na ipaliwanag sa 'yo ang lahat. Nasaan na siya? Ilabas mo siya, Kale!" sigaw ko.
"I told you, wala na siya rito. Umuwi na siya sa probinsya," sagot nito kaya naikuyom ko ang kamao.
"Pinagloloko mo ba ako, Kale?"
"Why should I?" Tumaas ang kanang kilay niya.
"Nasaan si Epok!" ulit ko."Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Pero just in case na gusto mo siyang makita, heto ang address niya," sabi nito at may inabot na papel pero hindi ko inabot.
"Uuwi rin ako sa amin kaya wala ka nang mahahanapan pa dahil ako lang ang nakakaalam ng exact address niya," sabi nito kaya napilitan akong kunin ang papel niya.
"Hihintayin ko pa rin siya," sabi ko.
"Bahala ka. Pero kung ako sa 'yo, huwag ka nang maghintay. Walang Epok na babalik."
"Babalikan niya ako!" sabi ko saka lumabas sa condo unit nito. Habang naglalakad palapit sa elevator, tinatawagan ko si Epok pero hindi ko makontak.
"Nasaan ka na?" bulong ko at pumasok sa bumukas na elevator.
Dumiretso ako sa bahay.
"Preenz!" Pagsalubong ni Mommy sa akin.
"Kanina ka pa namin tinatawagan! My ghad!"
"H-Hi," bati ko at pagod na naupo sa sofa.
"Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sa 'yo?" galit na tanong ni Daddy.
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...