19

1.6K 63 2
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

Unedited...

"Masakit para sa amin ang lahat, Epok. Pero mas naapektuhan si Preenz dahil mas mahal nito si Kylie," malungkot na pagkuluwento ni Brent. Nasa rooftop kami at pinilit ko siyang aminin niya ang lahat kapalit ng number ni Krista. Alam ko namang may pagtingin siya sa kaibigan ko e.

"Bakit si Preenz? Eh, kapatid mo naman si Kylie," tanong ko. Kapag may mangyaring masama sa akin, ang mga kapatid kong lalaki ang unang masaktan. Tiyak, luluwas sila sa Maynila at gaganti sa mananakit sa akin. Pero joke lang. Wala talaga silang pakiaam sa akin dahil mga duwag sila.

"Hanggang ngayon, hindi kasi niya matanggap na wala na si Kylie. Na ayaw niyang maniwalang gumagamit ng droga ang kapatid ko," sagot ni Brent at napatingala saka pinagmasdan ang mga ulap na may iba't ibang hugis. Alas tres ng hapon at maaliwalas ang paligid.

"Ikaw, Brent? Do you believe na gumagamit nga ng droga ang kapatid mo? O sadyang pinadroga siya bago ang race?" seryosong tanong ko.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakamawalan niya.

"No. Kilala ko ang kapatid ko at sigurado akong hindi siya gumagamit ng bawal na gamot," sagot nito.

"Salamat sa pag-amin, Brent," pasalamat ko saka tumayo. "Tingnan mo na lang ang cellphone mo, na-send ko na ang number ni Krista," sabi ko.

"Epok?" tawag ni Brent.

"Bakit?"

"Hindi ba puwedeng palayain mo na si Preenz?
Alam mo namang ginagawa lang niya ang lahat ng ito nang dahil sa kapatid ko," pakiusap ni Brent. Palangiti ito at palaging fresh ang mukha pero ngayon, sobrang lungkot ang mga mata niya.

"Pero hindi ba't ikakapahamak din niya ang ginagawa niya?" tanong ko. "Normal lang na maging protective ang parents niya sa kaniya. Isa pa, hindi ninyo gamay ang racing at ugali ng mga kasapi sa race."

"Kaya nga aalamin namin ang totoo,"
determinadong sagot niya. I can understand. Kapatid niya ang involved at naghahanap sila ng hustisya.

"Nasa loob ng field nangyari ang lahat. Bakit hindi na lang ninyo hayaang Lacson ang magresolba ng problema?" tanong ko.
Lumungkot ang mukha nito.

"Hindi kami miyembro ng frat. Hindi rin sumali ang kapatid ko kaya wala silang pakialam. Napatunayan nilang gumagamit ng illegal drugs si Kylie kaya tapos na ang imbestigasyon. Hindi kami importanteng tao, Epok. Sa mga mata nila, baguhang racer lang kami," paliwanag nito kaya isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko.

"Hindi naman siguro ganoon ang mga Lacson," pangontra ko.

"Hindi kami close."

"Bakit hindi ninyo subukang lumapit sa kanila?" tanong ko.

"Wala ring silbi. Case closed."

Tumango ako saka lumabas na. Closed na pala ang kaso e di closed.

"Saan ka galing?" tanong ni Preenz nang makasalubong ko.

"Sa matris ng nanay ko," sagot ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Epok!" seryosong sabi nito kaya napasimangot ako. Ang seryoso niya masyado e.

Napatitig ako sa mukha niya. Ang guwapo ni Preenz at wala sa hitsura ang pagiging badboy dahil masyadong baby face ito kahit na mapanga naman siya.

Kawawa naman pala siya, namatay ang girlfriend niya dahil sa racing kaya hindi ko muna siya aawayin today. Mabait naman ako minsan sa mga katulad niya.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon