Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 36
[Kylie POV]
"May gusto ka pa bang bilhin?" tanong ni Preenz.
"Wala na," sagot ko at nginitian siya.
Masasabi kong ako na yata ang pinakamasuwerteng babae sa mundo dahil nakatagpo ako ng lalaking mahal na mahal ako at marunong magpahalaga sa akin.Nasa mall kami at nagde-date. Wala akong magawa sa bahay kaya tinawagan ko siya. Go naman siya.
"Sabi ni Kuya Brent, may pasok daw kayo," sabi ko at hinawakan ang kanang kamay niya. Sa mga palad niya, alam kong safe ako. Alam kong walang sinumang puwedeng manakit sa akin.
"Minor subject lang naman," sagot nito.
"Kahit na. Puwede naman tayong mamasyal after ng klase mo," sagot ko.
"Baka maghahanap sina Mommy sa akin," sagot nito at tinap ang buhok ko.
"Alam na ba nilang bumalik na ako?" tanong ko.
"Yes," sagot nito saka ngumiti. "Gusto mong bumili ng headbands?" tanong niya nang mapadaan kami sa burloloy's shop.
"Huwag na," sagot ko. Hindi naman ako mahilig sa ganiyan. Isa pa, maiksi lang ang buhok ko at sanay na akong nakalugay.
"Simple mo talaga, Kyl," sabi nito kaya ngumiti lang ako.
"Pero maganda," biro ko.
"Yeah," pagsang-ayon niya saka hinila ako sa fastfood restaurant. "Alam kong nagugutom ka na."
"True. Nagugutom na nga ako," natatawang sabi ko.
Pinaupo niya ako sa pinakadulong puwesto at siya na ang nag-order.
Pinagmasdan ko siya. May iilang babae na napapasulyap sa kaniya kaya napailing na lang ako. Bilang girlfriend, gusto ko siyang bakuran pero ayaw ko naman ng gano'n. May tiwala ako kay Preenz.
Walang pagbabago sa relasyon namin. Ganoon pa rin naman na para bang hindi ako nawala.
"I'm sorry, Preenz," bulong ko. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang buong nangyari at kung sino ang salarin ng lahat ng ito. Sapat na sa akin na nakakasama ko siya at bumalik na sa dati ang lahat.
Nakakatuwa dahil ginawa niya ang lahat para mabigyang katarungan ang pekeng pagkamatay ko. Ang suwerte ko dahil nakita at nalaman ko pa iyon kaya nangangako akong hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataon ng aking buhay.
"Mukhang malalim yata ang iniisip mo?"
tanong ni Preenz matapos maupo sa harapan ko."Sorry, natutuwa lang ako dahil nakakasama na kita," sagot ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa at pinisil.
"Masaya rin ako dahil buhay ka, Kyl."
Kumain na kami. Puro seafoods ang binili niya.
"Here," sabi nito nang ilagay ang lobsters sa plato ko.
"Huwag na, okay na ako," tanggi ko at ibinalik ang ulam sa plato niya. Alam ko kasing paborito niya ito at hindi naman ako palakain ng seafoods.
"S-Sorry," paumanhin nito at ipinagpatuloy ang pagkain pero napuna ko ang pagiging matamlay niya.
"May problema ka ba? May masakit ba sa 'yo?" usisa ko.
"Wala. Napagod lang ako sa maghapong klase ko," sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain pero ne hindi man lang ginalaw ang lobster niya.
"Bakit hindi mo kainin ang paborito mong ulam?" tanong ko. Nasa gilid lang kasi ito ng plato niya.
"Wala ako sa mood. Baka nagsawa na ako sa kakakain nito," sagot nito kaya tumango ako pero pinakiramdaman ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...