23

1.6K 66 1
                                    


Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 23

Unedited...

[Epok POV]

"Sige na, gusto ko pang kumain nang marami," sabi ko.

"Para kang patay-gutom," reklamo ni Kale.
Nasa Mongolian restaurant kami at binili ko na ang lahat ng gusto ko. "Hindi ka ba pinapakain ni Preenz?"

"Pinapakain,"tipid na sagot ko. "I can eat all I want."

"Pero maghinay-hinay ka dahil baka mabilaukan ka," saway nito kaya binagalan ko ang pagkain.

"Kale? May girlfriend ka na ba?" Curious na tanong ko.

"Wala," tipid na sagot nito.

"Bakit?"

"Ayaw ko. Magastos," sagot nito kaya tinaasan ko na siya ng kilay.

"Ang kuripot mo," sabi ko. "Pero may nililigawan ka?"

"Haist! Ba't ba tanong ka nang tanong?
Kumain ka na nga lang," sabi nito kaya ipinagpatuloy ko na ang pagkain. Napapansin kong may mga babaeng napapatingin sa amin lalo na sa mokong na kasama ko. Well, kahit mahaba ang buhok ni Kale, guwapo naman ito at malinis tingnan. Siya ang poging may long hair.

"Ba't mo naisipang magpahaba ng buhok?"
tanong ko.
"Alam mo, Epok--"

"Isang Epok pa at masasapak na talaga kita!" Pagbabanta ko saka inihagis ang tinidor sa mukha niya pero mabilis ang kamay nitong nasalo ang tinidor.

"Behave, Baby E!" Saway nito at iginala ang paningin kung may nakakita sa ginawa ko.
"You must control yourself!"

"Pagod na ako, Kale! Napapagod na ako sa lahat ng bagay!" reklamo ko. "I wanna go home na."

"Ikaw ang may kagagawan niyan kaya ikaw ang maglabas ng sarili mo riyan."

"I didn't kill anybody!" mataray na sabi ko.
"Pero sa 'yo 'to kaya tiisin mo."

"Sige," pagpayag ko. As if na may choice ako. Kesyo ako lang daw ang babae, kaedad ko si Preenz, etc... "Pero pahiram ako ng ducati mo."

Obviously, hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"You know the rules, Epok."

"Don't care their rules! I have my own rules!" sabi ko.

"Sige. Kapag sawayin mo sila, habambuhay ka nang hindi makakabalik sa pagre-race at banned sa racing field," pananakot ni Kale kaya nanlumo ako. Nakapanlumo dahil pinagbawalan akong gumamit ng ducati at pumasok sa racing field.

"Tayo naman ang may-ari no'n ah!" naiinis na sabi ko. "Apo rin naman tayo nina Lola Patch at Lolo Lee! Hindi lang naman ang quadruplets ang anak nina Lola Ann at Lolo Dylan. Unica hija si Mommy ng mga Lacson kaya bakit sila nagbibigay ng lintik na utos na bawal akong papasukin?" galit na tanong ko. Wala namang nakakarinig sa amin dahil dito kami sa pinakadulo.

"Si Dad ang may utos kaya huwag kang magalit kina Luis," natatawang paalala ni Kale.

"Masaya ka na?" blangko ang mukhang tanong ko.

"Hindi naman. Naawa naman ako sa 'yo pero slight lang," sagot nito.

"Hindi na tayo bati!" naka-pout na sabi ko.
"Ikaw na nga lang ang kakampi ko pero inaaway mo pa ako."

Naiiyak na ako. I used to be a racer. Madalas akong tumatakas sa bahay para lang makipagkarera sa isla at minsan kong ninakaw ang chopper tapos dinala ang mamahalin kong ducati sa Maynila saka nakipag-race. Ayun, nahuli ako ng guwapo kong ama at pinarusahan ako. At ang mission ko? Bibigyan ng linaw ang kaso ng babaeng naaksidente sa racing field namin--si Kylie Gomez. Kapag malutas ko ang case, saka ko mababawi ang pinakamamahal kong sports car at motorsiklong pangkarera.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon