Playing Love With A School Heartthrobby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 40
Unedited...
[EPOK POV]
"Salamat sa panlilibre, Rylan," pasalamat ko at matamis na nginitian siya.
"Hmmm? Nagdududa ako sa kabaitan mo," sabi nito. Ang talas talaga ng pakiramdam ng isang 'to.
"Alam mo na 'yon," makahulugang sabi ko. "Lumayas na kasi ako sa bahay ng kaibigan mo."
"Sa kaniya ka magpalibre. Mukhang hindi naman 'yon tatanggi kapag humingi ka," suhestiyon niya.
"Wala na nga kami, 'di ba?" pagtataray ko kaya tumawa siya.
"Nakakatuwa na sa kabila ng tapang mo, basta mo na lang siyang isinuko," natatawang sabi niya.
"Ano ang gusto mo? Hahabol ako sa kaniya at magmamakaawa? Hindi ako ipinanganak para sayangin ang buhay sa taong hindi ako ang priority niya!"
"Tapang!" nakangising sabi ni Rylan kaya hinampas ko siya sa balikat.
"Huwag mo akong pagtawanan!" saway ko.
"I am not," tanggi ng mokong. "But seriously, hanga ako sa katatagan mo, Epok. Alam ko kasing ngayon ka lang nagmahal," seryosong sabi niya.
"Huwag na nating pag-usapan ang kaibigan mo," pag-iiba ko ng usapan.
"Ano ang gusto mong pag-usapan natin habang kumakain?" tanong niya. Ang ibang estudyanteng papasok sa cafeteria ay napapasulyap sa amin. Pustahan, binibigyan na naman nila ng kahulugan ang pakikipaglapit ko kay Rylan.
"Tungkol sa nakaraan," seryosong sabi ko kaya napataas ang kanang kilay niya.
"Ano ang gusto mong malaman sa nakaraan?" tanong niya.
"Paano nakapasok sa racing field si Preenz?" tanong ko.
"Bakit ako ang tinatanong mo, Epok?"
"Haist! Wala na nga kami ng hayop mong kaibigan!"
"Bitter?" Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya.
"Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko!" napipikong sabi ko.
"Fine, fine. Relax lang. Huwag ka namang lumabas sa balat mo," kalmado na sabi niya.
"Ano na?"
Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng chicken sandwich habang hinihintay ang sagot nito.
"Backer," tipid na sagot niya.
"Backer?" ulit ko at inilapag ang sandwich sa plato. "I'm sure hindi galing sa 'yo."
"May kilala kami ni Brent at tinulungan na rin kami nina Sheena at Tashi. Bakit bigla mong natanong?" Alam kong nag-iisip ito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Curious," tipid na sagot ko.
Ngumisi ito saka tumango. Guwapo pa rin naman ito lalo na kapag titigan nang matagal. Minsan, mas pumupogi ito kaysa kay Brent.
"Bakit wala ka pang girlfriend?" tanong ko.
"Ba't mo natanong?" sagot niya na umiba ang kulay ng mukha.
"Curious lang. Baka kalahi mo si Eba?" biro ko kaya mas lalong dumilim ang mukha nito.
"Hindi ka nakakatuwa, Epok!" galit na sabi niya kaya malakas na tumawa ako. As in totoong tawa. Ang cute ni Rylan kapag magalit. Para itong tanga.
Napatutop ako sa bibig nang hindi pa rin umiiba ang mukha niya.
"Oops, sorry," paumanhin ko at napasulyap sa lover na papasok sa canteen. Nagkasalubong pa ang mga mata namin ni Preenz pero hindi ko iniwas.
Siya ang unang bumawi at hinila na sa kabilang side ng canteen si Kylie.
Nakaramdam ako ng sakit. Iyong makita kong masaya siya na kasama ang taong mahal na mahal niya? Masakit talaga. Ako ang iniwan at aminado akong mahal ko pa siya nang iniwan niya ako. Hanggang ngayon, mahal ko pa naman siya e. At habang dumadaan ang araw, mas lalo lang akong nasasaktan sa nakikita kong masaya na siya sa piling ng iba. Siyempre may Kylie na siya e. Kaya hindi na ako mahalaga sa kaniya. Gusto ko rin namang magmakaawa minsan pero hindi ako o selfish kaya iniiyak ko na lang kapag mag-isa na lang ako. Pero hindi ko iyon ipapakita sa lahat dahil pagtatawanan lang nila ako. Let them live with curiousity.
"I can see the pain written in your eyes," wika ng kaharap ko habang nakatingin kina Preenz at Kylie.
"I can see the pain living in your eyes.
And I know how hard to try.
You deserve to much more
I can feel your heart and I symphatize
And I'll never criticize all you've ever meant to my life. 🎶
Pagkanta ko at sinabayan ko nang tawa.
"I don't want to let you down
I don't want to lead you on."
I don't want to hold you back from where you might belong 🎶."
Pagkanta ni Rylan kaya humalakhak na ako. Ang galing pala ng boses ng mokong kaya sinabayan ko na pero mahina lang. Iyong nasa katabing table lang namin ang nakakarinig.
"You would never ask me why my heart is so disguised 🎶
I just can't live a lie anymore...
I would rather hurt myself 🎶
Than to ever make you cry
There's nothing left to say, but goodbye..."
Sabay kaming tumigil sa pagkanta. Sumeryoso siya at napatitig sa akin pero ako tawa pa rin nang tawa.
"Para tayong tanga," sabi ko at humalakhak na para bang may nakakatawa talaga nang makita kong sinubuan ni Kylie si Preenz ng pizza. Ang sakit!
"You know what? You're the strongest woman I've ever known," seryoso sabi ni Rylan.
"Kailangan," mahinang sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Masaya naman sila kaya masaya na rin ako. Iyon naman talaga ang dapat. Maging masaya kahit na durog na durog ka na.
Kinuha ni Rylan ang milkshake at sumipsip. Napasulyap ako sa kanang kamay niya na may hawak ng milkshake. Sa ring finger nito, may maliit na scar pero hindi naman halata na nasugatan o nasunog ang balat dahil naging kulay puti na ang balat.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...