5

2.1K 80 0
                                    

Playing Love with A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

[Preenz POV]

"Oh my gosh!" bulalas ni Sheena nang tumigil kami at agad na tumalon sa motorsiklo ko. "Are you killing me?"
Tumawa ako dahil ang putla nito nang tanggalin ang helmet tapos kinuha ang suklay para ayusin ang magulong buhok.
"Stop laughing, Preenz! Hindi ka nakakatuwa!" galit na sabi niya kaya itinikok ko ang bibig ko at pinagmasdan siya sa ginagawa. Sira ang makeup niya at hindi na maipinta ang mukha pero maganda pa rin naman.
"Sorry, babe," paumanhin ko at bumaba sa ducati saka hibubad ang helmet. Ang lakas ng tili niya nang pabilisan ko ang pagmaneho.
"Sorry mo mukha mo! Ilang beses ko bang sinabing itigil mo pero hindi ka nakinig! What if nabangga tayo? What if nahulog ako?" Umuusok na ang ilong niya sa galit kaya napakamot ako sa ulo. Ano ba ang sasabihin ko? Paano siya mahulog eh, kapit-tuko siya kanina dahil sa takot.
"You asked for it," ani ko.
"Pero sana binigyan mo ako ng consideration!" maarteng sabi niya.
"Are you mad?"
"Yeah! Of course!" prangkang sabi niya kaya napabuntonghininga ako. Ang sabi niya, gusto niyang maranasan kung paano maging girlfriend ng isang racer. Gusto niyang sumakay habang mabilis ang pagmaneho ko. Hindi pa nga iyon full speed pero natakot na siya.
"Hindi ko na uulitin," pagsuko ko.
"Dapat lang," nakasimangot na sabi niya na medyo kumalma na. "Umuwi ka na."
"Walang kiss?" Hirit ko.
Padabog na lumapit siya sa akin saka ginawaran ako ng halik sa kanang pisngi.
"Gusto ko sa lips," aniko at hinapit siya sa bewang saka hinalikan sa mga labi. Hindi naman siya tumanggi.
"Basta hindi na ako sasakay kapag mabilis kang magpatakbo," nakasimangot na sabi niya.
"Hindi na mauulit, babe."
"Umuwi ka na. At huwag kang makipagkita sa babaeng mukhang impakta!" bilin niya kaya natawa ako. Mortal enemy na talaga niya si Epok. Likewise. Panira kasi ng trip ang katulong na 'yon e. "Kumuha ka na lang kaya ng condo?"
"I can't," tanggi ko. "Alam mo namang unico hijo ako at hindi papayag ang parents ko na maging independent ako. Not now," sabi ko kahit na iyon naman talaga ang gusto ko. Pero hindi ko rin naman kayang iwan si Mommy kasi mahal ko siya at malulungkot siya. Isa pa, masaya akong kausap sila ni Daddy. Nasira lang talaga nang dumating si Epokrita sa bahay at pinabantayan ako sa pagre-race.
Sumakay ako sa motorsiklo ko at isinuot ang helmet. "Bye, babe," paalam ko at pinaharurot na ang sasakyan patungo sa coofeeshop nina Brent.
"Dude? Kanina ka pa namin hinihintay," salubong ni Brent.
"Hinatid ko pa si Sheena," sagot ko at hinila ang silya saka naupo sa tabi ni Rylan. Tatlo kaming mag-bestfriend mula noong bata pa kaya kabisado ko na ang ugali ng mga ito.
"Kumusta na pala si Epok? Hindi an ba masakit ang katawan niya?" tanong ni Brent kaya napatingin ako sa kaniya na kaharap ko.
"Bakit mo natanong?" tanong ko rin. "Teka lang, napapansin kong madalas mo siyang ikumusta sa akin ah. May gusto ka ba sa kaniya?"
"W-Wala ah," tanggi niya at iniwas ang mga mata.
"May girlfriend ka," paalala ni Rylan. Tama, may girlfriend nga ito pero madali lang makuha at isa iyon sa bina-blackmail sa akin ni Epok. May mali rin naman ako dahil pinatulan ko si Lily. Inamin kasi niyang ako talaga ang gusto niya kaya binigyan ko ng friendly kiss. Ang problema, madalas niya akong yayain sa condo nito pero hindi ko pinapatulan. Mas mahalaga ang friendship namin ni Brent kaysa sa babaeng iyon na pariwara sa buhay.
"I know. Wala naman akong sinabing gusto ko si Epok. Natutuwa lang ako sa kaniya," depensa ni Brent. Ipinatong ko ang mga paa ko sa isang bakanteng silya na nasa tabi ni Brent at kinuha ang cappuccinong iniinom ni Rylan.
"Malulugi ka sa kaniya. Ko-kontrolin lang niya ang buhay mo," sagot ko. Aminado akong sanay magpasunod ng tao ang babaeng iyon. "At hindi ka makakasinungaling sa kaniya kasi imbestigador siya. Kawawa lang ang maging boyfriend nu'n kasi bago pa makapagsinungaling, alam na niya ang katotohanan. Higit sa lahat, she's a blackmail expert!" sabi ko at pabagsak na inilapag ang mug at napahawak sa masakit na batok ko. Nahilo ako sa kakasigaw ni Sheena kanina.
Natawa si Rylan at tinapik ako sa balikat. "I'm sure iyan ang nararanasan mo sa kaniya."
"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ni Brent na nakangisi. Sumalubong ang kilay ko. Alam nilang bina-blackmail ako ni Epok sa racing ko.
"Haist! Change topic!" sabi ko at muling uminom ng cappuccino.
"Kung paibigin mo kaya siya?" suhestiyon ni Brent kaya naibuga ko ang iniinom ko sa mukha niya. "Fuck! Kadiri ka, puta!" pagmumura niya saka napatayo at agad na pinunasan ang mukha at damit.
"Mas nakakadiri ang idea mo," sabi ko.
"Anong masama? Kung hindi mo kayang paamuin ang leon sa kagubatan, paamuin mo para makalabas ka sa masukal na gubat nang buhay," sabi nito kaya napatingin ako kay Rylan.
Tumango ito at ngumisi, "May punto si Brent, dude."
"Baliw na kayo!" ani ko at napailing.
"Magpapalit lang ako ng damit," paalam ni Brent.
Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog. Bigla akong kinabahan nang makitang si Epok ang tumatawag. Shit! Bakit ba kapag pangalan pa lang niya ang makita at marinig ko, kinakabahan na ako? Disaster kasi ang dala nito sa buhay ko.
"Sagutin mo na. Baka mamaya, patay ka na naman sa kaniya," sabi ni Rylan kaya inilayo ko ang cellphone ko nang nakikiusyoso siya.
"Hello?" pagalit na sagot ko.
"Alas siyete na ng gabi pero wala pa rin ang pagkain ko. Nasaan na ang special meal na galing sa Thailand?" tanong niya kaya umakyat na naman ang dugo sa ulo ko.
"Padating na! Maghintay ka!" singhal ko at tinapos ang tawag saka tumayo. "Uuwi na ako. Pasabi na lang kay Brent," paalam ko kay Rylan saka lumabas na.
Dinaanan ko muna ang restaurant na in-order-an ko ng masarap na pagkain sa Thai restaurant at dumiretso sa bahay.
"Akala ko hindi ka na uuwi," masiglang salubong ni Epok na lumiwanag ang mukha habang nakatingin sa bitbit kong pagkain.
"Basta kakainin mo ang lahat ng ito, okay?" sabi ko. Parang batang tumango naman ito.
"Sure, ako pa."
Kukunin na sana niya ang pagkain pero itinago ko sa likuran ko kaya napasimangot siya. Sarap pagtawanan pero baka sumpungin na naman ito.
"Mahal ang bili ko nito kaya wala kang dapat na itira," sabi ko.
"Oo na! Akin na sabi e!" singhal niya na para bang siya ang boss kaya nilagpasan ko siya bago pa tuluyang masira ang araw na ito. Sinira na nga ni Sheena, sisirain pa niya. Walang kuwenta talaga 'tong mga babae sa buhay ko.
Inilapag ko ang pagkain sa mesa.
"Kakain na ako!" sabi nito habang kumukuha ng plato at kutsara saka naupo na.
"Ubusin mo, ha," sabi ko at naupo sa harapan niya.
"Kakain ka rin ba?" tanong nito na halatang hindi sang-ayon na may kahati sa pagkain.
"Hindi," sagot ko at tinulak ang pagkain sa harapan niya. "Gusto kong makita kang nag-ienjoy sa pagkain."
"Weird mo," sabi nito saka excited na binuksan ang binili ko.
"Ano 'to?" bulalas niya nang binuksan ang dala kong pagkain.
"Specialty ng thailand," nakangising sagot ko kaya napatitig siya sa akin. Wala talagang kakurap-kurap kaya ako na lang ang umiwas ng tingin. "You promised na kakainin mo 'yan."
Napansin kong ibinaba na niya ang tingin sa pagkain kaya muli kong ibinalik ang mga mata sa kaniya.
"Nasaan ang kanin?" tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Adobong palaka, fried insects na parang cockroach ang hitsura tapos itlog daw ng pulang langgam.
"K-Kakainin mo?" nauutal na tanong ko.
"Mahal 'to, 'di ba? Sayang ang pera mo," sabi nito kaya ilang beses pa akong kumurap para lang masiguradong seryoso siya.
Tumayo si Epok saka nang bumalik ang may bitbit nang kanin.
Inilipat niya sa platito ang sauce saka inihalo sa kanin ang pritong insekto at kinain.
Napatutop ako sa bibig ko. Naduduwal ako lalo na't sarap na sarap pa talaga itong kumakain. Nginitian pa niya ako matapos uminom ng tubig.
"Gusto mo? Masarap," alok niya saka binuhat pa ang plato saka inilapit sa mukha ko.
"Damn! Ubusin mo!" napipikong sabi ko kaya tumawa lang ito na parang bruha. Oo, bruha talaga dahil hindi pa nakapagsuklay ng buhok. Pero hindi naman ito pangit. Nagmumukhang tao naman kasi branded ang gamit na ibinibigay nina Mommy Janine. Ang problema lang sa kaniya, ayaw niyang ipaayos ang buhok. Pero wala siyang kahit isang pimple tapos ang kinis ng mukha nito.
"Tawa ka pa!"
"Eh, sa nakakatawa naman talaga ang mukha mo," sabi nito at muling sumubo saka uminom ng orange juice. "Akala mo, ayaw ko nito, ano?"
"Ano pa ba ang mga nakakain ninyo sa bundok?" naiinis na tanong ko.
Ngumisi siya saka tinitigan ako sa mga mata. "Ahas, bayawak, ibon, at wild vegetables na hindi mo pa natitikman," sagot nito kaya napalunok ako ng laway. Kakaiba siya. "Kaya ingatan mo 'yang maliit na langaw sa tuktok ng nose mo dahil baka maprito ko."
Ang nunal na naman sa ilong ko ang napagdiskitahan ng babaeng 'to.
"T-Tao? Kumakain din kayo?" natatakot na tanong ko.
Nakalabing tumango siya kaya lumaki ang mga mata ko.
"Fetus lang. Kumakain kami ng tinolang fetus tapos fresh atay nila na sinasawsaw sa suka," sabi nito kaya nasuka na ako at napahawak sa tiyan.
"T-Tama na," pakiusap ko at pinahidan ang lumuluha kong mga mata. Hindi ko kaya. Nandidiri ako. "A-Aswang ka ba?"
Malakas na tumawa ito saka sinapak ako kaya napatayo ako.
"Uto-uto ka talaga, Preenz. Siyempre hindi ako kumakain ng fetus. Para kang tanga," natatawang sabi niya kaya napaupo ako at ininom ang juice sa baso niya. Nanunuyo ang lalamunan ko sa pagsuka.
"Yuck! Punasan mo ang suka mo. Ew ka talaga," maarteng sabi nito.
"Buwesit ka, Epok! Ang dugyot mo!" sabi ko pero tumayo na siya.
"Nawalan na ako ng gana sa pagsuka mo, Preenz! Panira ka ng pagkain!" Inirapan niya ako at padabog na lumabas sa dining room.
Napahawak ako sa leeg ko dahil mukhang masusuka na naman nang mapadako ang tingin ko sa insektong nasa plato niya. Buwesit talaga siya! Paano, may nakita ako sa Youtube na kumakain ng fetus sa China.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon