42

1.7K 62 0
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 42

[Epok POV]

"Maupo ka," sabi ni Rylan nang pumasok kami sa condo niya. "Ano ang gusto mong kainin?"

"Wala," tipid na sagot ko.

"Sure ka?"

"Nilagang baka," sagot ko at nagpapa-cute sa kaniya. "Tapos pocherong baboy at adobong manok. Double dutch ice cream for dessert."

Napa-smirk siya.

"Maghahanap ako ng restaurant na nagluluto niyan. Maliligo lang ako, feel at home," sabi nito at hinubad ang jacket. Hapit ang puting tshirt nito kaya halata ang pagiging matikas ng mokong.

"Uuwi na ako," sabi ko kaya lumingon siya sa akin.

"I won't hurt you kaya 'wag kang matakot."

"Ba't ako matatakot sa 'yo?" nakataas ang kanang kilay na tanong ko.

"Oo nga pala, anak ka ng pinakamalupit na assasin kaya ako ang dapat na matakot sa 'yo," sarcastic na sabi niya.

"Psh! Nagpanggap ka pa talaga bilang taxi driver," ani ko.

"Alam ko kasing magta-taxi ka," nakangising sabi nito.

"Kaasar ka!"

"Kapag pala bigo ka, nawawala ang senses mo," sabi nito.

"Ewan ko sa 'yo, Rylan!"

"Dito ka lang, Empress. Maliligo lang ako."

"Kanina ka pa nagpapaalam. Alis na," pagtataboy ko.

Pumasok na siya sa kuwarto niya kaya iginala ko ang mga mata sa loob ng unit niya. Manly pero malinis. Tumayo ako at lumapit sa TV para kunin ang remote. Manonood ako para hindi ako ma-bored.

Napatingin ako sa pulang singsing na nasa tabi ng remote. Dinampot ko at tiningnan.

May logo ng isang fraternity at nakasulat ang maliit na greek letter. "AEP".

"Alpha sigma rho," bulong ko at ibinalik sa tabi ng remote. Nakita ko na ang ritwal sa kamay ni Rylan noong isang araw. Simpleng scar lang ito pero nagsisimbolo na isa siyang miyembro ng alpha sigma rho fraternity.

Asirho siya at hindi na ako nagulat pa sa bagay na iyan.

Bumalik ako sa sala at muling naupo nang nawalan na ako ng ganang manood ng TV.

"Ka-brod niya sina Luis," bulong ko na ang tinutukoy ko ay ang mga pinsan ko sa ina. Si Lola Patch at Lolo Lee ang founder ng Alpha Sigma Rho. Si Lolo Dylan na ngayon ang fraternity King.

"Pero bakit hinahabol at tinangka ng mga asirho na patayin si Preenz habang kasama si Rylan?" tanong ko. Masyado na ba akong inlove kaya hindi ko naisip ang bagay na 'yan?

Ganoon na ba ako kahinang mag-isip?

"Mabuti naman at hindi ka umalis," sabi ni Rylan nang lumabas sa kuwarto. "Here. Isuot mo 'to kung gusto mo ritong matulog."

"Huwag na," tanggi ko. "Uuwi ako mamaya."

"Kulang ka sa tulog," sabi ni Rylan at lumapit sa ref. "Kailangan mo ring magpahinga, Empress."

"Nagpapahinga ako, Rylan," sabi ko inirapan siya.

Pagbalik niya, may dala na siyang pineapple juice.

"Kailangan mo pa ring magpahinga, Epok. Isa lang ang katawan ng tao." Binuksan niya ang bitbit na pineapple juice in can.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon