Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 21
Unedited...
[Preenz POV]
Ang boring ng pasko at new year ko. Bakasyon nga pero walang labas-labas ng bahay.
Si Sheena lang ang madalas na mamasyal dito lalo na kapag wala siyang magawa sa bahay nila.Oo na, hindi ako tumupad sa pangako ko kay Epok na hindi na ako makipagjerjer pa kay Sheena. She's my real girlfriend at lalaki ako. Paano ako maging tapat sa babaeng hindi ko naman talaga mahal?
"Ano na? Kailan tayo babalik sa karera?"
tanong ni Brent. Nandito sila ni Rylan ngayon sa bahay at nakikikain kahit na marami naman ang handa sa kanila."Hindi ko pa alam. Ano na ang balita?" tanong ko. Sa kanila ko na ipinaubaya ang lahat dahil bantay-sarado ako. Dinaig ko pa ibon na ikinulong sa hawla.
"Wala naman. Eh, kung i-giveup na lang kaya natin ang lahat?" suhestiyon ni Brent.
"Suko ka na ba?" tanong ko."Wala na rin naman. Paano kung nagdroga talaga si Kylie at hindi ko lang napapansin?" tanong ni Brent.
"No. Hindi ako naniniwala. Kilala ko si Kylie at hindi ko isusuko ang kaso niya!" giit ko.
"Dude? Matagal na iyon at wala tayong mahanap na ebidensiya kung sino ang gumawa niyon sa kaniya," sabi ni Rylan.
"Tinapos na nga ng pamunuan ang kaso niya.""No! Hindi ako susuko!" madiing sabi ko.
"Mahal ko si Kylie at bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay niya.
"Bahala ka. Basta nandito lang kami na nakasuporta sa 'yo," sabi ni Rylan.
Tumayo ako at dumungaw sa hardin.
Magda-dalawang taon na pero sariwa pa rin ang alaala namin ni Kylie sa puso ko.Naramdaman ko ang pagtapik ni Brent sa balikat ko na tumabi sa akin. "Palayain mo na ang kapatid ko, Preenz. Ang nasa itaas na lang ang bahala kung tama ang hinala nating sinadya siyang patayin."
"Buhay ako at hanggat buhay ako, hindi ko isusuko ang kaso ng kapatid mo," sabi ko at humarap kay Brent. "I won't giveup on her."
"Marami ang babae riyan. Nandiyan si Sheena," giit ni Rylan na lumapit din sa amin.
"Walang puwedeng pumalit kay Kylie sa buhay ko," sagot ko kaya tumahimik na sila. Bakit ba lahat ng nasa paligid, sumusuko na? Wala akong makialam kung mayayaman man sila.
Oras na makakuha ako ng ebidensiya, pananagutin ko sila sa batas."Paano kung ma-inlove ka ulit? Dude, buhay ka pa. Sa tingin mo, masaya si Kylie kapag nakikita ka niyang ganiyan?" tanong ni Rylan.
"Yes. Masaya siya kasi tapat pa rin ako sa kaniya," sagot ko. "Tinutupad ko lang ang pangako ko sa kaniyang siya lang."
Sabay na napabuga ang dalawa sa hangin at mas piniling manahimik na lang kaysa makipagtalo pa sa akin.
"Sama ka?" tanong ni Brent.
"Saan?"
"Sa bahay. Ipapaalam kita sa daddy mo. Birthday ni Daddy ngayon."
"I forgot," pag-amin ko. January 1 pala birthday ng ama nito kaya madalas na sa bahay nila ako tumatambay.
"Mamayang alas otso pa naman ang party dahil pagod pa ang mga tao sa pagpaputok kagabi kaya may time pa tayo. 'Til midnight ang party.," sabi nito.
Pinaalam nila ako kina Mommy ay pumayag naman sila basta kina Brent na raw ako matulog. Siyempre tatawag sila sa parents nito para magtanong kaya wala rin akong kawala.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...