Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 24
Unedited...
[Epok Pov]
"Hindi ba't sina Sheena at Preenz 'yon?" tanong ni Krista at itinuro ang dalawang nag-uusap sa ilalim ng punong mangga.
"Alam mo, Krista, pigilan mo ako! Sasapakin ko na talaga ang hayop na 'to!" galit na sabi ko at lumapit sa dalawang nag-uusap. Si Krista?
Naiwan. Sabing pigilan niya ako e."Mahal na mahal kita, Preenz, at gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang," pagdadrama ni Bes. Kaloka siya.
Nakatalikod sila kaya hindi nila ako napansin.
Pumunta ako sa harapan nila kaya nanlaki ang mga mata ni Preenz habang nakatingala sa akin."Mahal ka raw niya, baby. Ano ang itutugon mo kay Bes?" Nakapamewang na tanong ko.
"Nandito ka na naman? Umalis ka na nga!"
Pagtataboy ni Sheena."Sagot, Preenz!" sabi ko. Hindi ako aalis hanggat hindi ko naririnig ang tugon ng mokong na 'to kay Sheena.
"Haist! Hindi ba talaga ninyo ako patatahimikin?" galit na tanong ni Preenz.
"Hindi!" sabay na sagot namin ni Bes.
"Buwesit!" naiinis na sabi ni Preenz saka tumayo. "Magsibalik na nga kayo sa klase ninyo!"
"Balik ka na raw, Bes," sabi ko kay Sheena.
"Huwag mo akong tawaging bes! Hindi kita bestfriend!" naiiritang saway niya.
"Besssssss! Besssss! Bessss!" pasigaw na sabi ko kaya namumula na ang mukha niya sa galit. "May tatlong ahas akong nakita. Maliit, mataba mga ahas. Ngunit ang isa ay nagsasalita. Siya ang nagsasabi ng bess besss bess." Pagkanta ko saka sinayaw-sayawan pa. Ay, rapper ako eh.
"Gaga!" singhal niya kaya malakas akong tumawa. Ang sarap niyang inisin. Para siyang ahas na walang kamandag.
"Ano na bes? Laban ka?" tanong ko. Si Preenz? Andoon na sa dulo.
"Huwag mo akong hamunin, Epok! Hindi mo ako kilala!" Pagbabanta nito sa nagliliyab na mga mata.
"Bakit? Ano ba ang kaya mong gawin na hindi ko kayang gawin, Sheena? Nakangising tanong ko at lumapit sa kaniya. "Kaya mo ba akong patayin para masolo si Preenz?"
"If needed, why not?" matapang na sagot nito kaya ngumiti ako.
"Hihintayin ko ang araw at oras na 'yon," sagot ko at tinawanan siya. "Para kapag mangyari iyon, may rason na ako para putulan ka ng hininga!"
Natigilan ito kaya lumakas ang tawa ko. "Pero joke lang, hindi ako mamamatay-tao. 'To naman masyadong seryoso. 'Kaw talaga, Bes, 'di na mabiro. Takot ka, noh?" Pagbawi ko sabay hampas sa balikat niya.
"Don't you dare touch me!" galit na sabi nito saka tinulak ako palayo sa kaniya.
"But I already touched you!" sabi ko saka tinalikuran na siya at pakanta-katang naglakad pabalik kay Krista na kausap na ngayon ni Brent. "Siya ang nagsasabi ng bess, bess, bess"
"Inaasar mo na naman si Sheena," natatawang sabi ni Brent.
"Ba't ka nandito? Baka sabunutan ni Lily ang kaibigan ko," tanong ko.
"Hinahanap ko si Preenz," sagot nito.
"Pasimple ka rin, ano?" sabi ko kaya napakamot na lang ito sa ulo. "Kung may gusto kasi kayong mga lalaki sa isang babae, hiwalayan mo muna ang nauna para hindi kami lalabas na mang-aagaw. Maganda lang kami pero hindi kami malandi," payo ko.
"Hindi naman siya nanliligaw," sabat ni Krista.
"Ayaw kasi niyang manligaw. Dapat diretso na sa kama," sabi ko at hinila na siya bago pa mabiktima nitong si Brent.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...