Playing Love With A School Heartthrob
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 55
Unedited...
[Preenz POV]
"Shit!" sambit ko at napahawak sa tiyan.
Kanina pa ako pabaling-baling sa kama ko dahil sa sakit ng tiyan ko. Baka sa nakain ko ito kanina.
Hindi ko na kaya.
"Problema mo?"
Napatingin ako sa pinto nang bumukas at lumiwanag ang buong silid.
"B-Baby E," naiiyak na sabi ko at bumaluktot. "Hindi ko na kaya. I-I'm dying."
"Buti nga sa 'yo!" sabi niya saka inirapan ako.
"S-Seryoso ako. Sobrang sakit na talaga ng tiyan ko. As in," sabi ko at namimilipit sa sakit.Namamawis na nga ako e. Pero hindi naman ako natatae.
"Bahala ka," sabi niya.
Napasulyap ako sa orasan. Alas dose na ng hating-gabi at tulog na ang lahat.
Sunod-sunod ang paghinga ko para maibsan ang sakit na nararamdaman pero hindi pa rin humuhupa.
Lumabas siya sa kuwarto kaya nanlupaypay na ako. Hindi talaga siya naniniwalang masakit ang tiyan ko?
"Fuck!" pagmumura ko nang parang may pumipiga na naman sa sikmura ko. Sobrang sakit!
"Oh!" sabi ni Epok nang bumalik at inilapag sa bedside table ang bitbit niyang mug.
"A-Ano 'yan?" tanong ko at naupo sa kama.
"Lason," wika niya."S-Salamat. Iinumin ko ba 'to?" tanong ko at inabot ang mug ang sininghutan.
"Bahala ka," tinatamad na sagot niya at naupo sa tabi ko.
Humigop ako ng tsaang ibinigay niya.
"B-Baby E? Masakit talaga," reklamo ko at ipinatong ang ulo sa balikat niya.
"Engot ka kasi!" sabi nito.
"H-Hindi mo kasi--aww. Masakit," naiiyak na sabi ko.
"Lumayo ka nga! Para kang bakla!" pagtataboy niya at siniko ako kaya napahiga na ako at bumaluktot. Ito na yata ang katapusan ko.
Mukhang may lason ang pinakain sa amin.
Pero kumain din naman si Tito Zero a.
"M-Masakit," hinaing ko.
"Ginusto mo 'yan eh!" sabi nito at binuksan ang drawer.
"Tumihaya ka nga," sabi nito at binuksan ang bote na may kulay green na likido.
Sinunod ko siya.
"A-Ano ang--"
"Huwag kang feeler! Pahidan ko lang ng gamot ang tiyan mo," nakalabing sabi nito at ginawa ang sinasabi.
Pinahidan niya ang tiyan ko. Nakaramdam ako ng malamig pero mayamaya'y biglang uminit.
Ang sarap sa pakiramdam.
"Aaah..." ungol ko. Ang sarap.
"Gago! Lakasan mo pa ang ungol mo at pupugutan na kita ng ulo! Kota ka na sa akin!"
reklamo nito kaya tumahimik ako. Oo nga pala, palagi na lang kaming nahuhuli ng mga kapatid niya."Sorry," paumanhin ko at naupo saka pinagmasdan siya habang ibinabalik ang takip ng pinahid niya sa akin. "Baby E? Salamat kasi kahit galit ka sa akin at malaki ang kasalanan ko, hindi mo pa rin ako pinapabayaan."
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
Любовные романыSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...