54

2.1K 72 6
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 54

[Preenz POV]

Ilang beses na yata akong napabuntonghininga habang nakaunan ang ulo ko sa mga kamay ko at napatingala sa nipa nitong bahay kubo.

Alas kuwatro na ng hapon pero hindi pa rin lumalabas si Epok sa mansion mula nang bumalik kami kanina mula sa batis.

"Ano ba ang ikinagalit niya? Hindi naman kami nakita ni Kuya Dale," sabi ko. "At kung nakita man, pananagutan ko naman siya."

Napangiti ako nang maalala ang nangyari sa likod ng waterfalls. It was great. Amazing.

Itinakip ko ang maliit na unan sa mukha ko at itinodo ang ngiti. Shit! We did it. Pumayag si Epok na gawin ko iyon sa kaniya and she liked it.

Napakagat ako sa ibabang labi. It was my firstime at habambuhay ko iyong itre-treasure.

"Basta I can't explain," parang tangang sabi ko.

Para akong nanalo sa lotto sa nangyari. Ang kinis talaga at ang puti ng Baby E ko. Tapos ang mukha niya habang ginagawa ko iyon, sigurado akong nagugustuhan niya nang sobra.

"Sana ma-addict siya," bulong ko pero agad na binawi ang hiniling. Huwag na lang pala. She's unpredictable. Lahat ng nasobrahan sa kaniya, ako ang nagsu-suffer. Pero kung maadik man siya sa katawan ko, handa akong magpakulong sa piling niya.

"Fuck! Ang corny ko!" daing ko at napabangon.

Okay. Na-devirginize na ang dila at mga labi ko. Hindi na ako virgin sa lahat ng bagay at worth it naman na ibinigay ko kay Epok ang natitirang puri ko.

Bumangon ako at naghilamos saka nagpalit ng damit. Magnilay-nilay ako sa labas. Baka sakaling lalabas ang Baby E ko at kausapin ako.

Lumabas ako sa kubo at naglakad-lakad sa hardin. Iba pa rin pala kapag fresh air ang nalalanghap ng tao. Nakakagaan sa dibdib.

Ang daming rabbit na tumatakbo sa malawak na bakuran. Naririnig ko na rin ang ingay ng nagugutom na baboy.

Napansin ko si Tita Anndy na patungo na naman sa poultry nila.

"Tita!" tawag ko pero hindi niya ako narinig kaya hahabulin ko na sana pero may biglang sumulpot sa harapan ko.

"Si Dale?" tanong ng babae na kasing edad ko lang yata. Maganda ito, morena, mahaba ang buhok at balingkinitan ang katawan.

"S-Sino ka?" tanong ko na hindi napigilang hindi humanga. Pero mas maganda pa rin ang Baby E ko. Malamang isa itong Angeles dahil ang ganda rin e. Baka pinsan ni Epok.

"Hindi ba't ako ang dapat na magtanong niyan, dayuhan?" mataray na sagot niya.

"H-Hindi ko alam," sagot ko. Ayaw ko nang makipag-away dahil wala naman akong kakampi. Mukhang spoiled brat din ang isang 'to.

"Psh! Boyfriend ka ni Empress? Paano mo siya nagustuhan?" prangkang tanong niya. "Sayang mo. Guwapo ka pa naman."

"Kaya hindi ka nagustuhan ng Kuya Dale ko dahil magaspang ang ugali mo!"

Napalingon kami kay Epok na palapit sa amin.

"Haist! Just kidding, Empress. Alam naman nating mas magaspang ang ugali mo," mataray na sagot nitong kaharap ko.

"B-Baby E," sabi ko.

"Oh? May dinala ka palang abubot sa islang 'to? Buti at pinayagan ka ng parents mo?" aniya kaya lumapit na ako kay Epok.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon