58

2.3K 70 4
                                    


Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 58

[PREENZ POV]

"Hindi kasi kayo marunong ng salitang privacy!" naiinis na sabi ni Epok sa buong pamilya. Heto na nga at nasa sitting room kami at kinakausap kami.

"Basta ako hindi ko sinasadyang marinig 'yon," sabi ni Kale.

"Gusto ko lang talagang maligo pero nagbago na ang isip ko," wika ni Kuya Dale.

"Sabi ko sa 'yo kagabi, ihatid mo si Preenz sa kubo!" galit na sabi ni Tito Zero.

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Epok.

Bahala na silang mag-usap-usap. Baka mapalayas ako nang maaga sa isla kapag makisawsaw pa ako.

"Pero Empress naman? Ano ang ginawa ninyo kagabi at--" Tito Zero.

"Nananaginip lang ako!"galit na depensa ni Epok.

"Nananaginip? Putang panaginip na 'yan!" pagmumura ni Tito Zero kaya dumikit ako kay Epok. Ang pagmamahal ko lang talaga ang dahilan kung bakit ko natitiis na makasama ang pamilya nila.

"Bakit? Kuwarto ko iyon. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko," ani Empress na hindi man lang nakitaan ng takot sa mga mata. "Isa pa, ano ba ang pakialam ninyo kung iyon ang trip ko?

Eh, sa gusto ko talagang hawakan ano ang pakialam ninyo?"

Okay, magkakalkal na ba ako ng sarili kong libingan? Mukhang paamin na si Epok.

"Anong klaseng trip 'yan?" galit na tanong ni Kuya Dale.

"Trip to heaven," pamimilosopo ni Empress.
"Hindi ka ba talaga titino?" singhal ni Kuya Dale na namumula na ang tainga sa galit.

"Ano ba ang mali? Gusto kong hawakan. Ang cute tapos malambot pa. Minsan matigas. Oo, ganoon ako! And so? Pahawakan din ninyo ang mga balls ninyo sa mga asawa ninyo at hahawakan ko rin ang itlog ni Preenz! Walang basagan ng trip!" depensa ni Epok kaya napahilamos na ako sa mukha. For Pete's sake, malapit na akong himatayin sa kanila.

"Hindi ka na nahiya?" tanong ni Tito Zero.

"Nahihiya ako but your invading my privacy!

Ano pa ba ang magagawa ko? Ang mga ginagawa namin ni Preenz, sinisilip ninyo! Ne hindi na nga kamo masaya kasi palagi na lang ninyong nakikita. Paminsan-minsan, mag-pretend din kayo na wala kayong alam. Paano na lang pala kapag mag-body bonding na kami, maninilip pa rin kayo? Grabe na kayo, ha." Pagtatampo niya. Tama nga naman si Epok. Hindi namin sinasadya ang lahat.

Nagkataon lang talaga na naririnig nila o nakita kami.

"Huwag na nga ninyo sisihin si Baby E. Parang wala kayong mga asawa," sabat ni Tita Anndy.

"Walang masama sa ginagawa nila. Iyon ang trip nila e. As if na wala kayong trip sa buhay lalo ka na Zero!"

"Anong ako?" inosenteng tanong ni Tito Zero at napaharap kay Tita Anndy.

"Nagmana lang si Empress sa 'yo. Pasalamat ka nga, hindi 'yan pinapa-smoke ni Preenz kagaya ng trip mo," prangkang sabi ni Tita Anndy kaya biglang namutla si Tito Zero.

Dedma lang naman ang magkapatid na para bang walang narinig. Siyempre mas lalo na ako. May pinagmanahan pala si Epok e.

"B-Baby A naman, bunganga mo," mahinang saway ni Tito pero sumimangot lang si Tita.

"Kung ano ang makapagpasaya sa inyo, ituloy mo lang Baby E, I feel you. Minsan ganiyan din ang daddy mo," pagtatanggol ni Tita Anndy kaya nabuhayan ako ng loob.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon