Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
EPILOGUE
[Preenz POV]
It was a great wedding day. Beach wedding ang nangyari. Lahat ng Lacson, Angeles, Villafuerte, Alcarde at buong pamilya namin ni Epok ay imbitado.
Nagpapasalamat ako dahil tumino naman si Baby E. Hindi nangyari ang inaasahan kong kalokohan niya.
"Congrats," bati ng Lolo Kevin nina Epok.
"Salamat po," pasalamat ko.
"Ingatan mo ang apo ko dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari sa 'yo," sabat ni Lolo Dylan kaya napangiti ako.
"I will," sagot ko. "Aalagaan ko ho ang apo ninyo habang nabubuhay ako."
Noong una, akala ko mahirap silang pakisamahan dahil malalaking angkan sa Pilipinas ang kaharap ko pero hindi naman pala. Napaka-down to earth ang mga Lacson at Villafuerte.
Iniwan na nila ako kaya lalapitan ko na sana si Empress pero hinarangan ako ni Mayumi.
"Congrats, Preenz," nakangiting bati ni Mayumi sa akin sabay abot ng paperbag. "Sayang.
Akala ko magiging isang pamilya tayo kaso inagaw ni Suin si Dale sa akin!"
Napakamot ako sa ulo. Ang sabi nila, patay na patay si Mayumi kay Dale noon. Siya pala ang anak ng mayor dito kaya magaling din mag-ayos ng sarili.
"Alagaan mo si Empress kahit na may pagkamatigas ang ulo dahil kung hindi, pugot ang ulong lalabas ka ng isla na ito," pagbabanta niya kaya napangiti na ako.
"Hmm? Si Kale na lang kaya ang sa 'yo," suhestiyon ko.
"Si Kale?" bulalas nito. "Ano ang gagawin ko kay Kale? Nagbibiro ka ba? Ayaw ko nga. Ew! Ayaw ko ng--aw!" daing niya nang sapakin siya ni Kale.
"Makapagsalita ka, diring-diri ka sa akin a," reklamo ni Kale.
"Nandiyan ka pala? Halika na nga, kain tayo," yaya ni Mayumi at hinila si Kale palayo kaya nilapitan ko na ang asawa ko na nakikipag-usap sa mga pinsan.
"Ang bata mo pa pero kaya mo 'yan," sabi ni Gab na kasama si Nica.
"Salamat, Kuya Gab. Ang ganda ni Ate Nica, parang kamukha niya si Nancy sa Momoland," puri ni Epok na tuwang-tuwa kay Nica saka nagpa-picture pa. Bubuo raw sila ng Momoland group dito sa Pilipinas.
Epok pa rin ang tawag ko at nagagalit siya sa akin. Dapat Empress daw pero hindi ako sanay kaya Baby E na lang ang napagsunduan namin.
"Baby E?" tawag ko at tumabi sa kaniya.
"Uy, andiyan na pala ang asawa mo," sabi ni Ate Nica na nakatingin sa akin.
"Hello, salamat po sa pagpunta," pasalamat ko sa kanila.
"Baby P? Magho-honeymoon na ba tayo?" excited na tanong ni Epok sa akin kaya uminit ang magkabilang pisngi ko lalo na't napatingin ang ibang bisita sa amin.
"B-Baby E?" mahinang wika ko. "Mamaya na natin 'yan pag-usapan. Asikasuhin muna natin ang mga bisita."
Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko.
"Halika, kausapin natin ang pamilya mo," yaya niya at humarap sa mga pinsan. "Excuse lang po, ha. Haharapin lang po namin ang mga bisita."
Inilagay ko ang paperbag na regalo ni Mayumi sa ibabaw ng mesa kasama ang iba pang regalo.
Ang ganda niya. Siya na yata ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.
Ang inosente pa niya habang nakikipag-usap sa mga bisita. Tapos ang bata pa ng mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...