48

1.8K 66 3
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 48

Unedited...

[Epok POV]

Ligtas na si Preenz. Wala nang sumunod sa kanila at si Rylan naman ang kasama niya kaya kampante na ko. Bulletproof ang helmet niya kaya alam kong maliligtas siya. Ang katawan lang naman niya ang kailangan kong protektahan.
"Okay ka lang?" tanong ni Kale nang tumigil ako sa harapan niya. Nagpapahinga siya at nanigarilyo.
"I'm fine," tipid na sagot ko matapos tanggalin ang helmet. "Ang init!"
Wala pang bumabiyahe dahil alas dos pa lang naman ng madaling araw.
"Iniligtas siya ng girlfriend niya," sabi ni Kale na nakatingin sa akin. Bukas ang ilaw ng motorsiklo namin at maliwanag pa rin ang buwan kaya malinaw ang hitsura nito.
"Ex," pagtatama ko.
"Pero magkakabalikan sila dahil isinangga niya ang katawan at sinalo ang bala na para sana kay Preenz," giit nito.
"I know," tipid na sagot ko. Iyon na nga siguro ang mangyari. For the second time, isinakripisyo na naman ni Kylie ang sarili para kay Preenz. Napag-alaman ko na para din sana kay Preenz ang droga na iyon. Kumanta na kasi ang pinsan nina Brent at inamin sa amin ang lahat ng nangyari ng gabing iyon sa party.
"That's life," mahinang sabi ni Kale kaya pinilit ko ang mga labing ngumiti.
"Hayaan mo na 'yon. Ito na ang huling araw na ililigtas ko siya," sabi ko.
"Hahayaan mo na lang bang mapunta siya sa iba, Baby E?"
"Kung iyon ang nakatakda, wala akong karapatang baguhin iyon. Makakahanap din ako ng para sa akin. Ang mahalaga, hindi ko isinuko ang perlas ng silanganan." Handa akong magparaya. Okay na rin naman si Kylie. Kung tutuusin, mas matindi nga ang sakripisyong ginawa niya para sa kaligtasan ni Preenz. May training ako at siya wala. Pero nakaya pa rin niyang protektahan si Preenz at naiingit ako sa katapangan niya. She deserves to be happy. Kahit na masama ang kapatid niya, hindi pa rin siya nagpapadala. Nanahimik lang siya dahil mahal din niya si Brent at ayaw niyang mapahamak ito. Kung ako sa kalagayan niya, ganoon din siguro ang gagawin ko. Poprotektahan ko ang kapatid ko pero susubukan kong itama ang baluktot na paniniwala niya.
Tumawa siya."Pero nakakadiri pa rin ang pinaggagawa mo sa kaniya."
Uminit bigla ang ulo ko. Ubod ng lakas na sinapak ko siya.
"Shit!" Pagmumura niya. Hindi siya nakahanda sa ginawa ko.
"Wala akong pinapagawa!" tanggi ko.
"Psh! Deny ka pa. Isusumbong kita kay Daddy. Nakapanood ka na pala ng porn tapos nag-masturb--"
"Tahimik na!" buong lakas na sigaw ko kaya nagliparan ang mga ibon sa paligid.
"Kala mo kung sino kang banal!" sabi ko kaya tumawa siya.
Sumakay ulit ako sa ducati at pinaharurot. Nakita ko sa rearview mirror na sumusunod siya sa akin kaya pinabilisan ko ang pagpatakbo. Nakipagkarerahan siya e. Psh! As if na kaya niya ako. Pasalamat siya, cementado ang daan. Kung hindi, papakainin ko talaga siya ng alikabok. Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang niya.
Kagaya ng inaasahan, nauna akong nakarating sa condo unit. Hinubad ko ang jacket at dumiretso sa kuwarto saka naghubad ng damit at nagbabad sa shower room.
Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa hubad kong katawan.
I saw him. Kitang-kita kung gaano siya nag-alala kay Kylie nang sinalo nito ang bala na para sana sa kaniya.
"Nandoon din naman ako para protektahan siya ah," naiinggit na sabi ko saka hinilamos ang mukha. Ewan ko kung dahil sa tubig o dahil sa mga luha? Am I crying?
Si Kylie kasi, nagbuwis talaga siya ng buhay pero ako, wala pa. Pero buwis-buhay rin naman ang ginawa ko a. Paano kung natamaan ako?
"Pero kung wala akong training, ililigtas ko kaya siya?" tanong ko sa sarili. Napahikbi ako. Baka umiiyak nga talaga ako. Hindi lang halata dahil sa tubig na mula sa shower.
Nang matapos ako, isinuot ko ang kulay pink na bathrobe at lumabas.
Kinuha ko ang malaking maleta at binuksan ang closet.
"Oh? Ba't ka nagliligpit?" tanong ni Kale nang pumasok.
"Sa tingin mo?" baliktanong ko.
"Sigurado ka na ba?"
"Wala namang rason para manatili pa ako rito sa ciudad. Miss ko na ang manghuli ng palaka," sagot ko at isa-isang inilalagay ang mga damit sa maleta.
"Puwede ka namang manghuli ng palaka rito," pamimilosopo niya.
"Naubos na ng mga ahas ang mga palaka rito," sagot ko kaya tumawa siya.
"Okay, tatawagan ko si Daddy. Magpapahanda kami sa baryo. Ipapaletson ko kay Kuya Dale ang bayawak niya," ngingiti-ngiting sabi niya.
"Sabay na tayo," sabi ko at nginitian siya habang inaayos ang mga gamit ko. Bigla akong na-excite.
"Mauna ka. Sa Lunes pa ako uuwi," sagot niya na ikinasimangot ko.
"Basta ipahanda mo na ang chopper mamaya mga alas otso. Ipapakuha ko na lang ang papers ko sa SJU." Utos ko.
"Ayaw mong sumama sa operation?" tanong niya.
"Sa lab?" tanong ko. Ire-raid na ang laboratoryo nina Brent mamaya. Napagkaalaman namin na pagmamay-ari iyon ng kaibigan niyang anak ng gobernador. Malinis ang pamilya nina Brent pero minsan nang nagipit sa pera kaya siguro napasabak ito sa pagpupuslit ng droga. Sila rin ng pinsan niya ang nagdi-distribute ng shabu sa mga estudyante sa iba't ibang unibersidad.
"Oo. Pero may utos si Dad na huwag ka na raw isama dahil alam niyang brokenhearted ka pa," biro nito saka lumabas na.
Napalabi ako nang makita ang lagayan ng headbands ko. Dadalhin ko 'to sa isla para may magamit ako. Sayang din naman ang perang pinambili ni Preenz kung hindi ko magamit. Pumunta ako ritong buo pero uuwi akong durog.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon